• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC OFFICE SARADO DAHIL SA COVID

SIMULA  noong March 11 ay pansamantalang isinara ang main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila dahil sa mga nagpositibong mga kawani nito sa COVID-19.

 

Bukod sa main office, sarado rin ang opisana ng Regional Election Director of National Capital Region (NCR), Region IV-A at Region IV-B hanggang Marso 24, 2021.

 

Ito ay bilang bahagi na rin ng pag-iingat para maiwasan ang pagkalat ng virus lalo pa’t may nangyari umanong hawaan sa mga empleyado.

 

Bagama’t sarado ang nasabing opisina, tuloy pa rin naman ang transaksyon sa pamamagitan ng kanilang Facebook at Twitter accounts.

 

Para sa anumang mga katanungan ay maaaring sa nasabing mga social media accounts na lamang ng Comelec bumisita tuwing regular working hours.

 

Sinabi naman ni  Comelec Spokesperson James Jimenez na tuloy din ang paghahanda ng Comelec sa plebesito sa Palawan maging ang paghahanda sa 2022 National and Local Elections.

 

“We wish to assure the public, however, that work remains unhampered. Preparations for the Palawan Plebiscite as well as the 2022 National and Local Elections are underway and will continue to be undertaken by the officials and employees responsible,” sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez. (GENE ADSUARA)

Other News
  • SHARON, nanawagan na ipagdasal ang kanyang ‘Pawiboy’ na may heart enlargement; netizens, napa-’sana all’ sa biniling LV collar

    MAY latest update si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang inampon na Aspin na si Pawi.     Post niya sa kanyang IG account, “Latest update on my baby Pawiboy. PLEASE PRAY FOR MY DOGGIE…his heart is enlarged… @gumabaomarco Daddy Pawi pray for Pawiboy please.”     Agad namang nag-comment ang followers ni Sharon at nagpahatid na […]

  • PBBM, tinitingnan ang Japanese investments sa Philippine agriculture

    TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-usap sa Japanese o Hapones hinggil sa investments sa  agricultural sector sa Pilipinas at sa agricultural products nito na pumapasok sa Japanese market.     Binanggit ito ni Pangulong Marcos  habang sakay  ng PR001 patungo sa kanyang official visit sa Japan.     “Number one, that opens up […]

  • Maharlika Wealth Fund ‘soft-launch’ nakatakdang gawin ni PBBM sa Switzerland

    NAKATAKDANG  pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa panukalang sovereign wealth fund ng bansa sa harap ng mga kapwa lider ng mundo sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sa susunod na linggo.     Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).     Ayon kay DFA Undersecretary […]