• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec, tiniyak na nananatiling nasa ilalim ng kanilang ‘full control’

PINAWI  ng Commission on Elections (Comelec) ang pangamba ng publiko partikular na ang mga botante hinggil sa posibilidad na magkaroon ng dayaan pagdating sa resulta ng national at local elections ngayong araw, Mayo 9, 2022.

 

 

Sa press briefing na isinagawa ng National Board of Canvassers for the 2022 National and Local Elections ay binigyang-diin ni Comelec Commissioner George Garcia na nananatiling kontrolado ng komisyon ang nagaganap na halalan ngayon.

 

 

Ito ay sa kabila ng mga ulat na nakakaranas ng ilang glitches o pagpalya ang mga vote counting machines (VCMs) sa ilang mga polling precinct sa iba’t-ibang panig ng bansa.

 

 

Ayon kay Garcia, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil ang naturang mga problemang naranasan sa ilang presinto ay pawang mga “minor glitches” lamang at lahat ng ito ay inasahan na raw ng komisyon na kasalukuyan na rin nilang ginagawan ng aksyon.

 

 

Bukod dito ay muling ipinaalala ng commissioner na kinakailangang ang botante mismo ang maghuhulog ng kanyang balota sa vote counting machines (VCMs) pagkatapos nilang bumoto.

Other News
  • KYLIE, binansagan na bilang ‘Thriller Queen’ kaya super react ang netizens

    ANG sexy at sensual ng photo ni Kylie Verzosa na kung saan siya ang cover girl ng Esquire Magazine PH for the month of September.     May tagline ito na ‘Thriller Queen’, dahil siguro sa pinag-uusapan na first lead role niya na erotic thriller film ni Direk Roman Perez na The Housemaid na hatid […]

  • BBM, nangako ng maayos na internet connections sa mga malalayong lugar

    IPAGPAPATULOY ng gobyernong Marcos ang paglalagay ng internet connections sa mga malalayong lugar.       Ito ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na ang access sa web ay itinuturing nitong ” post-pandemic must-have.”       Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay matapos na makiisa siya sa […]

  • NAVOTAS PATULOY ANG PAMIMIGAY NG RELIEF PACKS

    PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mamamayan ng relief packs makaraang ibalik at pahabain pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.     Umabot na sa 15,501 mga pamilyang Navoteño ang nabigyan ng relief packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods […]