• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMMERCIAL/RESIDENTIAL AREA, NASUNOG

ISANG commercial/residential area ang nilamon ng apoy  kagabi sa Binondo, Maynila.

 

 
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- NCR, nangyari ang sunog sa establisimyento na pag-aari ng Jespajo Realty Corporation.

 

Isa itong 5 storey residential/commercial mezzanine building  kung saan nagsimula ang apoy sa unit na inookupahan ni Shany Lim  sa Unit 209 , sa ikalawang  palapag  ng nasabing gusali.

 

Pasado alas-8:00  nang magsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out pasado alas-9:00  ng gabi.

 

Umaabot naman sa humigit kumulang  P300 libo ang napinsala sa sunog bagamat wala namang iniulat na nasaktan  sa sunog. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 18-anyos pababa bawal pa rin lumabas – MMDA

    Nilinaw kahapon ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na bawal pa rin ang mga kabataang may edad 18- anyos pababa na gumala sa mga lansangan sa kabila ng pinaluwag na restrictions sa National Capital Region (NCR).     Kasunod ito ng pag­dagsa ng pami-pamilya sa mga pook pasyalan para mag-celebrate ng Father’s Day kahapon kasama ang […]

  • [NOBELA] DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 36) Story by Geraldine Monzon

    KAPWA nabuhay ang pag-asa sa mga puso nina Angela, Bernard at Andrea nang matagpuan nila ang dalaga sa harap ng dati nilang tahanan. Agad silang nagpa-DNA upang makasiguro sa katotohanang inaasam nila.   Nang maiabot na ng doktor ang resulta ng DNA test ay agad binasa ni Angela ang hulihang bahagi nito. Natigilan siya at […]

  • BAKUNA KONTRA COVID-19

    BAGONG pangalan sa parehong sakit ang ibinigay ng World Health Organization (WHO) sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD).   Ayon sa WHO, “COVID-19” na ang magiging opisyal na tawag sa nakamamatay na sakit — CO para sa corona, VI sa virus at ang D ay disease.   Kasabay nito ang pahayag […]