• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Commission on Human Rights, sinimulan na ang imbestigasyon sa pangho-hostage kay ex-Sen. De Lima at pagkamatay ng mga suspek

SINIMULAN  na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.

 

 

Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers na sinubukang tumakas sa Camp Crame.

 

 

Sinabi ng CHR na nagpadala na sila ng kanilang quick response operation mula sa kanilang opisina sa National Capital Region para sa isang motu proprio investigation.

 

 

Ito ay para malaman kung sino ang mga posibleng managot sa insidente.

 

 

Una rito, nabahala ang komisyon sa sinapit ng dating senadora na naging chairperson ng CHR mula 2008 hanggang 2010. (Daris Jose)

Other News
  • Mandatory SIM Registration Bill, pasado na sa Senado

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1310 o ang Mandatory SIM Registration Bill.     Sa botong 20 pabor at walang tutol ay nakalusot sa pinal na pagbasa sa plenaryo ng Senado ang panukala.     Binuhay at minadali ang pagpapatibay sa panukala upang mabigyang proteksyon ang publiko laban […]

  • 4 LANG NA DAYUHAN INISYUHAN NG EXECUTIVE CLEMENCY

    APAT lamang ang dayuhan sa may 139 pinagkalooban ng executive clemencies ni Pangulong Rodrugo Duterte sa panahon ng kanyang termino.   Ang pahayag ay ginawa ni Jutice Secretary Menardo Guevarra matapos na batikusin ,ang ginawa niyang pagbibigay ng pardon sa Amerikang sundalo na si Joseph Scott Pemberton na nakapatay sa transgender na si Jennifer Laude […]

  • Ads January 26, 2024