Commuters group, dismayado sa nabiting tugon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
- Published on December 19, 2022
- by @peoplesbalita
DISMAYADO ang grupong lawyers for commuters safety and protection sa pagkaka reset ng pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory
Board (LTFRB) sa petisyong kumu-kwestyon sa usapin ng fare surcharge sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).
Sinabi ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, na hiniling na nila sa board na ilatag ang parameters para sa pagpapataw ng surcharge ng TNVS o ng grab.
Ayon kay Inton, gusto nilang malaman kung anong oras ba dapat magpataw ng surcharge.
Sa ngayon kasi aniya ay hindi malinaw kung anong mga oras tumataas ang singil ng TNVS.
Sa tingin kasi aniya nila ay bukas sa pang abuso ang sistemang ito kaya sumulat na sila sa LTFRB para hingan ito ng tugon.
Gayunpaman, hindi aniya natuloy ang pagdinig dahil sa umano’y pagkakalantad ng mga taga grab sa isang nagpositibo sa COVID-19 kaya naurong ito sa Enero na ng susunod na taon.
Ayon kay Inton, ngayon sana dapat matugunan ang isyung ito dahil sa ganitong panahon ng Kapaskuhan higit na nararamdaman ang fare surge. (Daris Jose)
-
Ads May 15, 2021
-
Pacman at pamilya, ‘home sweet home’ na pero 2-week quarantine muna sa resort
Nakauwi na sa Lungsod ng Heneral Santos si Senator Manny Pacquiao kasama ang buong pamilya nito. Mapapansing nakasuot ng face shield at naka-surgical gloves ang mag-asawang Pacquiao pati ang mga anak na sina Mary Divine Grace Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Michael Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao at Israel Paquiao. Nang lumapag ang eroplano ay […]
-
Canada inaprubahan ang paggamit ng Novavax COVID-19 para sa mga taong may edad 18 pataas
INAPRUBAHAN ng Canada ang Novavax Inc. COVID-19 vaccine para sa mga taong may edad 18 pataas. Ito na ang pang-limang bakuna na gagamitin sa nasbing bansa. Ayon sa Health Canada na wala pa silang datus kung epektibo ba ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pababa. Gumagamit kasi […]