• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacman at pamilya, ‘home sweet home’ na pero 2-week quarantine muna sa resort

Nakauwi na sa Lungsod ng Heneral Santos si Senator Manny Pacquiao kasama ang buong pamilya nito.

 

Mapapansing nakasuot ng face shield at naka-surgical gloves ang mag-asawang Pacquiao pati ang mga anak na sina Mary Divine Grace Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Michael Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao at Israel Paquiao.

 

Nang lumapag ang eroplano ay diretso agad ang buong pamilya sa kanilang sasakyan.

 

Nabatid na ilang buwan din namalagi sa Metro Manila ang pamilya Pacquiao matapos abutan ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

 

Bilang pagsunod sa health protocol, sasailalim ang Pinoy ring icon at mag-iina nito sa 14 days quarantine sa kanilang resort na nasa Taluya Glan, Sarangani Province.

Other News
  • Chris Pratt Brings Garfield to Life in the New Trailer for ‘The Garfield Movie’

    HOLD onto your lasagnas and brace for some feline fun because The Garfield Movie trailer is out, and it’s purr-fectly entertaining! Garfield’s Leap from Lazy to Lively   Goodbye, quiet life; hello, adventure! Our beloved Garfield, the lasagna-loving, Monday-hating cat, is about to trade his cozy couch for a wild journey. Voiced by the versatile Chris Pratt, […]

  • Mikey Garcia inaayos na ang laban kay Pacquiao

    Ibinahagi ni American boxer Mikey Garcia na inaayos na nila ang laban niya kay Manny Pacquiao.     Sinabi nito na sa mga susunod na mga araw ay malalaman ang ilang detalye ng laban kung saan ito gaganapin.     Target kasi nila na isagawa ang laban hanggang sa buwan ng Mayo.     Dagdag […]

  • Falcon posible pa maging super typhon habang papalabas ng PAR-PAGASA

    NAPANATILI ng Typhoon Falcon ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran patungo sa dagat timog silangan ng Okinawa Islands, sabi ng state weather bureau.     Naobserbahan ang mata ng Typhoon Falcon 875 kilometro silangan hilagangsiilangan ng extreme northern Luzon 10 a.m. ng Martes, ayon sa PAGASA.   Lakas ng hangin: 175 kilometro kada […]