• January 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group

PINURI  ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kur­yente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay isang magandang balita rin para sa mga motorcycle taxi driver na nakadepende ang kita at kabuhayan sa iba’t ibang ride-hailing apps.

 

 

Ang motorcycle taxis ay nasa proseso na ng pagsasa-legal bilang isang anyo ng public transportation at ang operasyon ng mga ito sa kasalukuyan ay isang pilot study pa lamang.

 

 

“Dagdag-hirap lalo na kapag rush hour na. Malaking tulong ang dagdag bilang ng mga motorcycle taxis ng MoveIt para gumaan kahit paano ang paghihirap ng mga mananakay at maiangat ang kalidad ng kanilang araw-araw na pamumuhay,” dagdag niya.

 

 

Sinabi ni Montemar na siguradong makatutulong ang mga karagdagang MoveIt riders sa pampublikong transportasyon sa National Capital Region na problematiko na bago pa magkapandemya.

 

 

Para sa convenor ng BK3, ang Grab-MoveIt investment deal ay isang pagmamalas ng “tunay na malasakit sa ating mga kababayan na araw-araw na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.” (Daris Jose)

Other News
  • KASAMA NG SENIOR CITIZEN KUNG MAGPAPABAKUNA, PINAYAGAN NA

    PINAYAGAN na ng gobyerno na magdala ng kasama ang mga senior citizen at may commorbidity na magpupunta sa vaccination sites  o tinawag na Plus 1 strategy.     Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na layon nitong mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna na maging ang kasama nila sa bahay.     Paliwanag ni […]

  • 4 NAGPOSITIBO SA 3 ARAW NA DRIVE THRU SWABBING SA QUIRINO GRANDSTAND

    APAT ang naitalang nagpositibo  sa Covid-19 sa inilunsad na Drive  thru  swab testing ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.   Ito ay sa loob lamang ng tatlong araw,  batay  na rin  sa datos ng Manila Health Department (MHD).   Sa kabuuan , nasa  242 katao na ang sumailalim sa libreng swab test sa […]

  • PBBM suportado ang panukalang batas na magpapalakas sa cyber security program ng gobyerno

    TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang suporta sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council Digital Infrastructure Group na sertipikahang priority legislation ang tatlong panukalang batas na makapagpapalakas sa cyber security efforts ng gobyerno.     Ayon sa Pangulo, kanyang kakausapin ang pamunuan ng lehislatura at mula Dito ay matingnan kung paano uusad […]