• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 NAGPOSITIBO SA 3 ARAW NA DRIVE THRU SWABBING SA QUIRINO GRANDSTAND

APAT ang naitalang nagpositibo  sa Covid-19 sa inilunsad na Drive  thru  swab testing ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.

 

Ito ay sa loob lamang ng tatlong araw,  batay  na rin  sa datos ng Manila Health Department (MHD).

 

Sa kabuuan , nasa  242 katao na ang sumailalim sa libreng swab test sa Quirino Grandstand mula Enero 18 hanggang Enero 20, 2021.

 

Sa nasabing bilang, 238 ang negatibo ang resulta habang ang apat ay positibo sa sakit.

 

Sa apat na ito, non-Manilans ang tatlo habang  taga Maynila naman ang isa.

 

Ayon kay  Manila Public Information Office Chief Julius Leonen, nakikipag-ugnayan na ang MHD sa LGUs ng origin ng mga non-Manilans na   nagpositibo  sa virus upang sila naman ay madala sa quarantine facility.

 

Bukod sa drive thru sa  Quirino Grandstand, may libreng “walk-in” swab testing din ang lokal na pamahalaan para sa mga residente at hindi residente ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital at Delpan Quarantine facility.

 

Kailangan lamang makipag-ugnagan sa  Manila Emergency Operation Center ang indibidwal na  nais sumalang sa swab test  para makapag-schedule ng appointment.

 

Maaaring kumontak sa mga numerong 09052423327; 09983226367; 09636023177; at 09555875976 upang makakuha ng inyong schedule ng swab test.

 

Samantala, sa  pinakahuling datos ng MHD, umabot na  393 ang naitalang aktibong kaso sa lungsod ng Maynila.

 

Pumalo naman sa kabuuang 25,911 ang nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nasa 24,742 naman ang tuluyang gumaling sa nasabing sakit. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon

    PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City.     Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa […]

  • Hawaan ng COVID-19 sa Pinas bumilis

    Pumalo sa 1.41 ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa o ang bilis ng hawahan ng virus dulot ng mataas na banta ng Delta variant.     Ayon sa OCTA Research Group, nitong August 12, ang reproduction number ay pu­malo sa 1.41 at umaabot naman sa 1.76 sa Metro Manila.     Noong August 10 […]

  • Tiniyak na may libreng sakay

    NANINIWALA ang Malakanyang na hindi dapat magkaroon ng talagang matinding problema ang mga mananakay ngayon at nagsisimula na ang 7 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman sinuspinde ng pamahalaan ang public transportation sa ipinatutupad ngayong ECQ sa […]