Concepcion, tinapik ang health, economic experts bilang advisory group na gabayan ang pribadong sektor
- Published on June 27, 2022
- by @peoplesbalita
TINAPIK ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang health at economic experts bilang mga advisory group na gabayan ang pribadong sektor habang ang bansa ay kumikilos tungo sa pagiging normal matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.
Sa katunayan, sinabi ni Concepcion na may nakatakda siyang pagpupulong kasama ang mga eksperto sa larangan ng medisina, pananaliksik at ekonomiya upang pag-usapan ang kanilang mga payo sa pribadong sektor hinggil sa “shifting to normalcy.”
Kabilang sa mga eksperto ay sina infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, DOH Technical Advisory Group member Edsel Salvana, at OCTA research fellows Dr. Michael Tee, Dr. Guido David at Fr. Nic Austriaco, at ang ekonomistang si Romy Bernardo.
“So these doctors and data analysts will meet this afternoon and align [their] message and of course their advice to the private sector as well. We are facing these price increases and we want to make sure ‘yung alert levels natin will continue to be where it is,” ayon kay Concepcion.
“And hopefully, ang isang recommendation naming is eventually setting it aside but what are the parameters that will happen before we totally remove alert levels so those are the things we will be discussing,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Concepcion, may pangangailangan na pag-usapan ang proseso ng “transitioning out to a public state of emergency.”
“How do we transition out from the public state of health emergency, we cannot be forever in the public state of emergency, how do we shift now to the removal of that? It will take time,” ayon kay Concepcion.
“We have to start thinking along the line of preparing the move from pandemic to endemic. So it’s not overnight that you can say okay tanggalin na natin ang public state emergency hindi ganyan, so it is a process and we have to start discussing that,” aniya pa rin.
Nauna rito, pinalawig ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang state of calamity ng hanggang Setyembre 12, 2022 sa bansa bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso at banta ng coronavirus variants. (Daris Jose)
-
BBM planong gamitin sa buong bansa ang estilo ng agrikultura sa N. Ecija
IBINUHOS ng mga taga- Nueva Ecija ang kanilang buong suporta para sa UniTeam sa muling pagbisita ni presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa lalawigan sa pangatlong pagkakataon nitong Biyernes. Sa kanyang talumpati sa SMDC, Barangay Sta. Arcadia, sa Emilio Vergara Highway, Cabanatuan City, pinuri ni Marcos ang lalawigan para sa […]
-
Pacquiao talo kay Ugas via unanimous decision
Napanatili ni Yordenis Ugas ang kaniyang WBA “super” welterweight belt matapos na talunin si Manny Pacquiao. Pinaburan ng tatlong judges ang Cuban boxer para makuha ang unanimous decision 115-113, 116-112, 116-112. to na ang pang-27 na panalo ni Ugas habang pang walong talo naman ng fighting senator na mayroong 62 panalo, […]
-
LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año
MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants. Tinukoy nito ang nasa […]