Cone, ‘excited’ na makita ang pagbabalik sa Gin Kings ng ‘nagbagong’ si Slaughter
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
Ikinatuwa ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang pasya ni big man Greg Slaughter na magpakumbaba at buksang muli ang linya ng komunikasyon sa pagitan nila ng pamunuan ng koponan.
Ayon kay Cone, umaasa ito na ang paghingi ng paumanhin ni Slaughter sa liderato ng franchise ay magbibigay-daan para sa mas pinagandang ugnayan sa pagitan ng 7-foot center at sa top management ng Gin Kings.
“I’m happy that he is communicating with management and I’m looking forward to him returning to the team,” wika ni Cone.
Kamakailan nang maglabas ng statement sa kanyang social media account si Slaughter kung saan inihayag nito ang kanyang intensyon na muling sumali sa Kings matapos na hindi maglaro ng isang buong season nang mapaso ang kanyang kontrata sa Ginebra.
“My only regret is that the communication between myself and management, particularly Boss RSA and Coach @alfrancischua, did not go smoothly as I would have wanted. I want to apologize to them and the rest of management for any misunderstanding or bad feelings that may have occurred because of my decision,” bahagi ng post ni Slaughter.
Sa kabila rin aniya ng kanyang pagliban, pinanatili ni Slaughter na malusog ang kanyang pangangatawan at tinrabaho niya raw ang kanyang self-improvement.
Sinabi ni Cone, excited na rin daw siya na makita ang pagbabago sa paglalaro ni Slaughter.
“I know he has worked hard on his game during the pandemic and I’m excited to see the changes,” anang coach.
-
Paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, malaking factor ang gagawing serye with PIOLO
ILAN sa lumalabas na balita kung bakit daw lumipat ng ABS-CBN si Lovi Poe mula sa GMA-7, nandiyang hindi na ito ni-renew ng Kapuso network. Meron din na hindi raw ito pumayag dahil mas mababa ang offer sa renewal of contract niya, kumpara sa nakaraan. Pero ano man ang dahilan, siguro […]
-
Kaso ng COVID-19, sisipa ngayong taglamig – WHO
INAASAHAN na ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng mga bagong kaso sa iba’t ibang panig ng mundo sa mas malamig na panahon na magiging dahilan ng indoor activities habang nasa ilalim ng pinaluwag na health protocols. Sa lingguhang briefing, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ilang bansa na sa Europa […]
-
Mga mamamayan, hinimok na paigtingin pa ang pagkamakabayan sa harap ng mga hamon sa ating bansa – DFA
HINIKAYAT ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mgaa hamon. Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence. Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan […]