Confidential funds, nakalaan para sa national firewall, expert training- DICT
- Published on October 18, 2023
- by @peoplesbalita
GAGAMITIN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang confidential funds nito para maglagay ng firewall at sanayin ang cybersecurity experts.
Muli kasing inilaan ng House panel ang P300 million sa confidential funds sa panukalang budget ng DICT sa intelligence agencies. Mananatili namang inilaan ng DICT ang P25 million mula alokasyon para sa Maintenance and Other Operating Expenses.
Sinabi ni DICT spokesperson Renato Paraiso na kailangan ng departmento na makabili ng kagamitan at para sa serbisyo na hindi inilalathala ang detalye gaya ng nakasaad sa public procurement law.
Aniya ang terms of reference at iba pang bidding documents “would be subject to the scrutiny of whoever would want to counter that particular defense.”
Isang 2015 government memo ang naglimita ng confidential expenses para sa mga “pertaining/related to surveillance activities in civilian government agencies that are intended to support the mandate or operations of the agency.”
Kamakailan lamang ay sunud-sunod na nag-report ang mga Philippine government agency gaya ng PhilHealth Insurance Corp., Philippine National Police, Philippine Statistics Authority at Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa cyberattacks at breaches.
Ani Paraiso, ipinanukala ng DICT ang paglikha sa “an initial firewall that would sort of filter the traffic coming to the Philippines to prevent foreign threat actors.”
Ang firewall ay sinadya para ” to regulate access to a protected system. In some countries — as in China — these systems can also be used to restrict access to information.”
Tinukoy naman ni Paraiso na ang cybersecurity threats ay hindi lamang lokal dahil ang Medusa attack sa PhilHealth ay nagmula sa ibang bansa at kailangan lamang na protektahan ng Pilipinas ang sarili nito mula sa foreign attack.
Maliban sa Philippine firewall, “the individual government agencies would have their individual systems to address local threats.”
Samantala, sinabi pa rin ni Paraiso na ang pangunahing responsibilidad para sa “procurement at maintenance” ng sistema ay nakasalalay sa indibiduwal na ahensiya ng pamahalaan.
Sinabi pa rin ni Paraiso na ang confidential funds na naging “a Whole-of-Nation approach when it comes to this problem.” (Daris Jose)
-
PAGHAHAIN NG COC SA BSKE SA HULYO
MAPAPAAGA ang paghahain ng filing of candidacy para sa Barangay at Sanggunian Kabataan election (BSKE). Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na posibleng isasagawa sa buwan ng Hulyo ang maagang paghahain ng COC para malutas ang mga kaso ng disqualification . Itinakda ang BSKE sa Oktubre 2023. Ayon kay […]
-
Ads October 18, 2021
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 26)
IKINAGULAT ni Bernard ang pagsulpot ni Regine sa opisina niya. Subalit naunawaan naman niya ang pakay nito kaya’t sinabi niyang kakausapin niya si Angela tungkol sa nais nitong mangyari. Sa sobrang tuwa ay niyakap ni Regine ang lalaki na nabigla sa pagyakap niya. “Thank you so much Bernard, sabi ko na nga ba hindi mo […]