• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker himas-rehas sa pangmomolestiya sa anak na dalagita

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 33-anyos na construction worker matapos ireklamo mismo ng kanyang kinakasama ng pangmomolestiya sa kanilang anak na dalagita sa Malabon City.

 

 

Hindi na nakapalag ang manyakis na ama nang posasan siya nina Pat. Zenjo Del Rosario at Pat Marc Roldan Rodriguez, kapwa nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 5, matapos hingan ng tulong ng ina ng 14-anyos na Grade 8 student.

 

 

Base ulat ni P/SSgt.  Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na isinumite sa tanggapan ni P/Col. Amante Daro, hepe ng Malabon Police Station, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling araw, sa loob ng bahay ng pamilya sa Damata, Letre Road, Brgy. Tonsuya.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng biktima, nagising siya nang maramdaman ang maiinit na kamay na humihimas sa kanyang dibdib at nagulat siya nang makita na ang kanyang ama ang gumagawa ng kahalayan sa kanya.

 

 

Kaagad na isinumbong ng dalagita sa kanyang ina ang ginawa ng sariling ama kaya’t hindi na nagdalawang-isip pa ang ginang at kaagad na humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

 

Iprinisinta na ng WCPD ng Malabon police sa piskalya ng Malabon ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin niyang kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Richard Mesa)

Other News
  • Coronation night ng Miss Universe PH 2021 sa September 25, hindi matutuloy; YBONNE ORTEGA, COVID-positive kaya 28 na lang ang candidates

    HINDI matutuloy sa September 25 ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.     Sa kanilang Facebook page, hinihintay na lang daw ng MUP organization ang final approval mula sa IATF para maging maayos ang ligtas ang pag-stage ng kanilang coronation night.     “Let’s do this, Universe! Frontrow presents Miss Universe Philippines 2021 […]

  • DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbiyahe ng bakuna

    TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.   Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayoon na kasi aniyang mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa […]

  • 1.83M college students nabakunahan laban sa Covid-19- CHED

    TINATAYANG umabot na sa 1,839,846 college students ang nabakunahan laban sa Covid-19.   Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chair J. Prospero de Vera III na ang pigura ay katumbas ng 45.91% tertiary student population na umabot na sa 4,007,795 “as of November 25.”   “That is a significant increase because after the first […]