Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya.
Aniya, isa na rito ang mga contact tracers na mayroon ng fatigue factor dahil na rin sa napakatagal ng paglaban sa COVID 19.
Isang malaking hamon ito sa kasalukuyan na kanilang haharapin at patuloy na gagawin kahit bakuna ay dumating.
“So ngayon po, ang nagiging challenge ngayon ay itong fatigue ‘no dahil napakatagal na nating lumalaban sa COVID so iyong ating mga contact tracers ngayon medyo napapagod na so kailangan tuluy-tuloy lang nating… talagang nagpupursige dito sa pagku-contact tracing natin through our local government units and the DILG. So iyon naman po ang pinipilit natin sa mga darating pang buwan dahil nga kahit na mayroon nang mga bakunang padating, kailangan itong ating response ng prevention, detection, isolation and treatment ay tuluy-tuloy pa rin,” ayon kay Dizon
Kaya siniguro ni Dizon, na hindi lang detection ang patuloy na ikakasa kahit may bakuna na kundi pati na ang prevention, isolation at treatment. (Daris Jose)
-
P2.5B na first tranche para sa fuel subsidy, ipalalabas ng DBM ngayon- DBM Acting Sec. Canda
IPALALABAS ngayong araw ng Biyernes, Marso 11 ang P2.5 bilyong piso bilang first tranche ng fuel subsidy para sa mga driver o tsuper ng public utility vehicle (PUV). Tinatayang 377,000 driver o tsuper ang makikinabang sa subsidiya. “The receipt of the amount by the driver will depend on the speed by […]
-
Alex Eala sasabak sa unang pagkakataon sa SEA Games
SASABAK na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala. Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam. Naisumite na nito ang […]
-
137 sugatan sa paputok – DOH
NAKAPAGTALA ng 85- fireworks related injuries o mga naputukan ang Department of Health (DOH) nitong pagsalubong sa Bagong Taon. Dahil dito, umakyat na kahapon ang bilang ng mga naputukan sa 137 nitong Enero 1 mula noong Disyembre 21, 2022. Mas mababa naman ito ng 15% kumpara sa naitala na 162 noong 2021 at 46% mas […]