• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CONTAINER VAN, GAGAWING ISOLATION FACILITIES SA NAVOTAS

MINAMADALI na ng mga manggagawa ang pagsasa-ayos ng 30 40-footer container van na nasa loob ng Centennial Park sa Navotas City upang magsilbing karagdagang isolation facilities na ilalaan sa mga may mild cases ng COVID-19 sa lungsod.

 

Una na kasing iniulat ng City Health Deparment kay Mayor Toby Tiangco na puno na ang dalawa nilang community isolation facilities sa Navotas National High School at Navotas Polytechnic College na parehong may tig-210 beds matapos lumobo ng husto ang bilang ng mga na residenteng nagpo-positibo sa COVID-19.

 

Bagama’t tumugon naman ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa paghingi ng ayuda ni Mayor Tiangco makaraang mabigyan ng 200 slots sa dalawang isolation facilities ng pambansang pamalaan sa Philippine Arena at World Trade Center, hindi mapigilan ng alkalde ang mahabag sa kanyang mga kababayan na mapalayo sa kanilang lungsod habang nagpapagaling ng karamdaman sa naturang mga isolation facilities.

 

Dahil malapit ng matapos ang inaapurang paglalagay ng karagdagang isolation facilities sa loob ng Centennial Park, hindi na kinakailangang ilabas pa ng lungsod ang mga Navotenos na magpopositibo sa virus at sa mga container van na ginawang isolation facility na muna sila mananatili habang nagpapagaling.

 

Malaki naman ang paniniwala ng bawa’t pamilyang Navoteno na hindi pababayaan ng alkalde at ng kanilang kongresistang si Rep. John Rey Tiangco ang kaligtasan at kapakanan ng mga residenteng tinatamaan ng sakit kaya’t inaayos na mabuti ang mga container van upang gawing isolation facility.

 

Bagama’t hindi maalis ang pangamba ng marami na mainit sa loob ng van, batid nila na magiging katuwang ni Mayor Toby ang kapatid na si Rep, John Rey Tiangco para tiyaking malagyan ng air condition ang bawa’t pasilidad upang maging komportable kahit paano ang mga tinatamaan ng nakamamatay na virus. (Richard Mesa)

Other News
  • Sa halip na tumakbong senador: ISKO, gustong maglingkod uli bilang mayor ng Maynila

    NAKATAKDANG magtapos ngayong Biernes ang “Pira-Pirasong Paraiso” kung saan isa sa mga bida si Elisse Joson .    Kuwento pa ni Elisse sa mediacon ng nasabing serye ng Kapamilya network na super enjoy daw siya sa kanyang pagiging kontrabida bilang si Hilary.   “It was so fun and very personal that I was able I […]

  • Seven years na ang relasyon nila ni Khalil: GABBI, ayaw magpa-pressure pero intimate wedding ang gusto

    INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na minsan na siyang naapektuhan sa mga kuwento at opinyon ng ibang tao tungkol sa kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales.     Nahirapan nga raw si Rabiya noong una sa relasyon nila ni Jeric dahil sa mga lumalabas na tsismis tungkol sa aktor.     “First […]

  • LeBron, muli na namang nagtala ng record nang magbuhos ng 50-pts sa panalo ng Lakers vs Wizards

    MULI NA namang binitbit ni NBA superstar LeBron James ang Los Angeles Lakers upang tambakan ang Washington Wizards, 122-109.     Ito ay matapos na magtala ng 50 points ang 37-anyos na si James para sa kanyang ika-15 beses na career points.     Sinasabing si LeBron ang itinuturing na “oldest player” na merong multiple […]