• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Contempt of court’ sa nagbabanta sa mga huwes – SC

NAGBABALA ang Supreme Court na kakasuhan nila ng ‘contempt of court’ ang mga nagbabanta ng karahasan laban sa mga huwes sa bansa.

 

 

Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy sa kaniyang social media page ukol sa umano’y pagbabanta kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo A. Magdoza-Malagar.

 

 

Parte ng Facebook post ni Badoy ay: “If I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP-NPA-NDF must be killed because there is no difference in my mind between a member of the CPP-NPA-NDF and their friends, then please be lenient with me.”

 

 

Itinanggi naman ito ni Badoy at nabura na ang naturang post ngunit nagawa ng mga netizen na ma-screenshot at screen record ito bago mabura.

 

 

“Those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families…that this shall likewise be consi­dered a contempt of this court and will be dealt with accordingly,” pahayag ng SC en banc.

 

 

Kinondena rin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pahayag ni Badoy habang 187 abogado na ang pumirma para sa hiwalay na pagkondena na ang pahayag ni Badoy ay direktang pag-atake sa hudikatura at mga opisyal nito at layong paliitin ang tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya sa bansa at i-harass ang mga naatasang magsulong ng ‘rule of law’.

 

 

Nais din ng mga abo­gado na maging ‘accountable’ si Badoy at ang sinumang susunod sa kaniyang aksyon at nagbabala na may katumbas na kahihinatnan ang anumang paglabag sa batas. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pinasinayaan ang P1B Pier 88, nangako ng mabilis na biyahe sa Visayas

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang grand launching ng Pier 88 sa munisipalidad sa lalawigan ng Visayas, nag-alok nang mas mabilis na  transport alternative para sa mga mananakay at cargo sa Cebu.     “It’s encouraging to see that a massive undertaking such as this, where the local government takes the lead and collaborates […]

  • DepEd bumili ng P2.4 bilyong halaga ng ‘pricey, outdated’ laptops para sa mga guro noong 2021

    BUMILI ang Department of Education (DepEd) ng  P2.4 bilyong halaga ng  “outdated at  pricey laptops” para sa mga guro para sa implementasyon ng  distance learning sa gitna ng  COVID-19 pandemic.     Sa  annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa 2021, napuna ng komisyon ang ginawang pagbili ng DepEd ng P2.4 bilyong […]

  • ‘A Haunting In Venice,’ Needs To Make At Least $140M To Succeed At The Box Office

    Disney and 20th Century have not officially announced how much it cost to make A Haunting in Venice. This leaves room for estimates and comparison to previous installments to try and deduce its budget. It is possible that A Haunting in Venice carries a $70 million budget.     When the franchise began in 2017, […]