CONVICTED CALAUAN MAYOR SANCHEZ, PUWEDE SA GCTA
- Published on September 21, 2020
- by @peoplesbalita
MAARING mapalaya si convicted Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa ilalim ng General Conduct Time Allowance (GCTA), ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.
” He was entitled to GCTA under revised penal code,”ayon kay Guevarra.
Nabatid na si Sanchez ay nahatulan noong Marso 14,1995 dahil sa panggahasa at pagpaslang sa magkaibigan na si Eileen Sarmenta at Allan Gomez.
Ayon kay Guevarra may bagong GCTA manual na maaring magamit ng Bureau of Correction(BuCor) at maari nang i-print.
Ang GCTA law ay pansamantalang nasuspinde noon Agosto,2019 matapos magkaroon ng kontrobersiya sa pagpapalaya kay Sanchez at ilang bilanggo.
“Processing was temporarily suspended last year when DOJ, DILG worked on the revised IRR. Now we’ve come up with new rules and regulations which are a lot clearer,”dagdag pa ni Guevarra.
Mas malinaw na umano ngayon ang isyu kaugnay sa mga heinous crime sa bagong GCTA manual. (GENE ADSUARA)
-
YASSI, umaming first time maka-experience kaya nagulat sa ‘butt exposure’ ni JC, makadurog-puso ang pagganap nila sa ‘More Than Blue’
AMINADO si Yassi Pressman na nagulat siya sa butt exposure ng leading man niya na si JC Santos sa More Than Blue na paparating na sa Vivamax ngayong November 19, 2021. Kuwento ni Yassi sa digital mediacon first time daw niyang maka-experience ng ganun sa co-actor kaya, “it’s quite shocking but JC was […]
-
Karagdagang P1.4B, kakailanganin para maipagpatuloy ang libreng sakay hanggang sa Disyembre – DOTr
NASA karagdagang P1.4 billion na pondo ang kakailanganin ng Department of Transportation (DOTr) para maipagpatuloy ang libreng sakay para sa mga mananakay hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre. Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang libreng sakay sa EDSA Carousel ay mayroon lamang fixed budget at kailangan ng kagawaran na makipag-coordinate […]
-
Sa gitna ng SCS territorial disputes, Pinas, committed sa kapayapaan -PBBM
PATULOY na ipinapakita ng Pilipinas ang commitment nito sa kapayapaan sa kabila ng hindi pa rin nalulutas na territorial disputes sa South China Sea (SCS). Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa usaping ito. “It (SCS issue) keeps you up at night, it keeps […]