• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Coo masigla pa rin kahit nagkakaedad

IBINAHAGI nina world-renowned Pinay tenpin bowler Olivia ‘Bong’ Coo Garcia at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang mga karanasan sa katatapos na Philippine Sports Commission’s (PSC) women empowerment web series Rise Up! Shape Up.   

 

 

Pinamagatan ang ikawalong episode ng dalawang buwan ng serye na “Aging Gracefully: Embracing Life’s Golden Years,” at nakatuon sa dalawang kinukunsiderang “accomplished women’s healthcare” pati sa best lifestyle practices sa kanilang mga taon.

 

 

Ikinagalak ni PSC Chairman William Ramirez ang pagdalo ng dalawang opisyal ng sports kung saan giniit niya ang importansiya ng mga kilalang sports figure sa pagiging malulusog, maliliksi at aktibo pa rin pa rin sa kanilang pamumuhay.

 

 

“These powerful and decorated women in the sports scene make us proud of their achievements and inspire us to prioritize our health proving that age is just a number,” wika ni Ramirez.

 

 

Nangangasiwa sa programa si PSC-Women in Sports Oversight Commissioner Fatima Celia Kiram. Secretary general ng Philippine Bowling Federation (PBF) si Coo, habang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines 9GAP) si Carrion.(REC)

Other News
  • 2 drug suspects arestado sa Valenzuela buy bust

    Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang narescue naman ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilyn Ileto, alyas “Ayhie”, 31, at Marvin Manalotoc, 30, kapwa ng 5226 […]

  • Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites

    PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.     Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced […]

  • Ads January 29, 2021