• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects arestado sa Valenzuela buy bust

Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang narescue naman ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilyn Ileto, alyas “Ayhie”, 31, at Marvin Manalotoc, 30, kapwa ng 5226 Demitillo Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

Dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos sa pamumuno ni P/Col. Ortega ng buy bust operation sa bahay ng mga suspek.

 

 

Nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu ng isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba habang narescue naman ang dalagitang estudyante.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy bust money, 3 cellphones at P470 cash.

 

 

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensice Dangerous Drug Act of 2002 habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng DSWD ang menor-de-edad. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Aquaman 2’ Officially Becomes The Biggest 2023 DC Movie

    Despite falling significantly behind Aquaman and several other DC movies that were released over recent years, Aquaman and the Lost Kingdom is officially the DCEU’s biggest movie in 2023.     Arthur Curry’s latest outing was the DCEU’s final installment, giving way to the revamped DC Universe in 2025 as DC’s first cinematic franchise petered […]

  • Marburg virus, mas nakahahawang BA.2.75 subvariant, nagbabanta rin sa Pinas

    NAGBABALA   si infectious health expert Dr. Rontgene Solante sa banta ng bagong Marbug virus at mas nakahahawang Omicron BA.2.75 subvariant na posibleng makapasok sa Pilipinas.     Sa Laging Handa ­briefing, sinabi ni Solante na kailangang maghanda na agad ang pamahalaan ng Pilipinas sa pag-contain sa Marburg virus katulad ng ginawang ­paghahanda kontra Ebola virus […]

  • Parak tigbak sa cargo truck

    Nasawi ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng salpukin ng isang cargo truck ang likuran bahagi ng kanyang motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.       Binawian ng buhay habang ginagamot sa North Caloocan Doctors Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Pat. Kevin Pinlac, 27, nakatalaga sa Northern […]