• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cool muna tayo- Sec. Roque

PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na manatiling kalmado at mangyaring hintayin na lamang ang pinal na report ng Commission on Audit (COA) matapos mapaulat na nakitaan ng komisyon ng ilang umano’y kakulangan sa tamang panghawak ng Department of Health (DoH) sa pondo para sa pandemya.

 

“‘Yung mga initial observation, nasasagot po iyan ng mga ahensiya .

 

 

So, sa ngayon po, ang aking advice, cool muna tayo dahil sa puntong ito ay pupuwedeng sagutin at hintayin ang final reports,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat ng COA, sinasabing kabilang sa kanilang natuklasan ang higit P5 bilyong halaga ng mga binili ng ahensiya na walang kaukulang dokumento at higit P194 milyon na hindi umano pabor sa gobyerno.

 

Tinatayang higit P1.45 bilyong donasyon naman ang wala ring sapat na dokumento.

 

Nasa higit P69 milyon din umanong medical equipment at supplies ang na-procure pero hindi nagamit o hindi agad nagamit dahil sa mga dahilang maiiwasan naman kung nasundan nang maayos ang procurement planning, ayon sa COA.

 

“This condition affects the utilization of COVID-19 funds vis-a-vis the agency’s implementation capabilities and its response to the urgent healthcare needs during the time of state of calamity/national emergency,” sabi ng COA sa pahayag.

 

Samantala, ginarantiya naman ni Sec. Roque sa publiko na maayos na ginagamit ng pamahalaan ang public funds lalo na sa gitna ng umiiral na Covid-19 pandemic.

 

“Walang kaduda-duda, ginagamit sa tama ang pondo kasi iyan ang marching order ng Presidente,” anito.

 

Pinanindigan din nito ang sinabi ng Pangulo na hindi ito magdadalawang-isip na sibakin ang mga empleyado ng pamahalaan na masasangkot sa irregular activities.

 

“Hindi siya mag-aatubiling tanggalin kahit sino man kung mayroon pong bahid ng korapsyon,” giit ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • NEW VIGNETTE FOR “I WANNA DANCE WITH SOMEBODY” CELEBRATES WHITNEY

    “THE most challenging part of portraying Whitney Houston is…portraying Whitney Houston,” says Naomi Ackie, star of Columbia Pictures’ I Wanna Dance with Somebody.       Check out the new vignette below titled “Celebrating Whitney Houston” and watch I Wanna Dance with Somebody exclusively in cinemas across the Philippines January 08, 2023.     YouTube: https://youtu.be/yR5SZtD1hrY     About I […]

  • Nakabubuti raw sa mental health niya: KYLINE, mas minabuti na bawasan ang paggamit ng social media

    NABAWASAN na raw ni Kyline Alcantara ang paggamit niya ng social media.       Inamin ng ‘Shining Inheritance’ star na nagpo-post lang daw siya ng updates pero hindi raw siya nagbabasa ng comments at nagso-scroll sa ibang sites.       Mas mabuti na raw yung hindi siya nag-aaksaya ng oras sa pag-check sa […]

  • Halos 60K Pinoy nagbenepisyo sa P400 milyong medical assistance – PCSO

    IBINAHAGI ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi bababa sa 60,000 Pilipino ang nakinabang sa mahigit P400 milyon na inilabas ng ahensya sa tulong medikal sa unang quarter ng 2023.     “Nasa 60,779 kaba­bayan natin ang natulu­ngan sa kanilang gastu­sing pang-medikal, na uma­bot sa P410,427,957.55 na inilabas ng PCSO sa pamamagitan ng Medical […]