• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cool Smashers dumikit sa Finals

NAPIGILAN ng Creamline ang hamon ng Choco Mucho tungo sa 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo para makuha ang 1-0 bentahe sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinal series kahapon sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Muling nagpasabog ng malakas na puwersa si opposite hitter Tots Carlos na bumomba ng 26 puntos mula sa 21 attacks, apat na aces at isang block para pamunuan ang Cool Smashers na makalapit sa finals berth. Maliban dito, nagtala pa si Carlos ng 12 excellent digs.

 

 

“One thing na wino-workout namin ngayon, yung end game. During third set, bumababa ang laro namin kaya ‘yun ang ginagawa namin sa training,” ani Carlos na siyang kumana ng game winning ace.

 

 

Nakakuha rin ng solidong puntos ang Cool Smashers mula sa mga beteranong players na sina team captain Alyssa Valdez, Jema Galanza, Celine Domingo at Jeanette Panaga sa larong dinaluhan ng mahigit 5,000 fans na dumagsa para manood ng live sa venue.

 

 

Dominado ng Cool Smashers ang attack line matapos magtala ng 58 kills laban sa 33 lamang ng Flying Titans.

 

 

May 10-7 edge rin ang Creamline sa blocks at 9-3 bentahe sa aces habang solido rin ang floor defense ng Cool Smashers na may 82 digs.

 

 

Sa unang laro, tuloy ang matikas na ratsada ng Cignal HD matapos patumbahin ang PetroGazz, 25-21, 25-23, 25-23 upang makalapit sa finals spot.

Other News
  • EO sa regulasyon ng presyo ng mga gamot vs nakamamatay na sakit, pirmado na ni Duterte

    Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 155 na nagtatatag ng regulasyon sa presyo ng mga gamot sa bansa.     Sinabi ni acting Presidential spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, layunin ng nasabing EO na tugunan ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa dulot ng mga sakit.   […]

  • Ads October 19, 2022

  • Batas vs red tagging

    Kaisa si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na gawing krimen ang red-tagging.   “I agree with Sen.Lacson in criminalizing red-tagging, in particular for government officials and employees who use government funds and resources  to vilify and attack progressives, artists, critics of the administration, […]