• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cool Smashers umentra sa semis

PORMAL nang nagmartsa sa semis ang Open Conference champion Creamline matapos patalsikin ang Chery Tiggo sa pamamagitan ng pukpukang 25-14, 25-20, 21-25, 28-26 desisyon kagabi sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Sumulong ang Cool Smashers sa ikaapat na panalo para saluhan ang Cignal HD sa unahan ng standings tangan ang parehong 4-1 marka.

 

 

Muling nagtulung-tulong sina wing spikers Jema Galanza, Tots Carlos at Alyssa Valdez sa opensa para pamunuan ang ratsada ng Cool Smashers.

 

 

Hataw ng todo si Galanza na nagpakawala ng 23 puntos mula sa 21 attacks at dalawang aces habang nagdagdag ang Open Conference MVP na si Carlos ng 20 puntos.

 

 

Hindi rin matatawaran ang husay ni Valdez na nakakuha ng 16 hits kabilang ang mga krusyal na puntos sa fourth set.

 

 

Tinapos ng Crossovers ang kampanya nito bitbit ang masaklap na 1-5 marka.

 

 

Tanging si opposite hitter Mylene Paat lamang ang nakagawa ng double digits nang magtala ito ng 15 puntos habang nagdag­dag ng siyam si May Luna at pito galing kay Elaine Kasilag.

 

 

Sa unang laro, naka­balik sa porma ang Choco Mucho matapos itarak ang 25-21, 25-17, 22-25, 10-25, 16-14 desisyon laban sa PLDT Home Fibr upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa semis.

 

 

Maningning ang pagbabalik ni Kat Tolentino na hindi nasilayan sa huling dalawang laro ng Flying Titans nang magpako ito ng 27 puntos at 22 digs para buhatin ang kanilang tropa sa ikalawang panalo sa limang asignatura.

 

 

Nakakuha ito ng suporta mula kay Isa Molde na nagtala ng 11 puntos gayundin kina Cherry Nunag at Bea De Leon na may tig-10 hits.

 

 

Bumagsak ang High Speed Hitters sa 3-2 baraha.

 

 

Nanguna para sa PLDT sina Chin Chin Basas at Jules Samonte na may tig-17 markers habang nagdagdag si Dell Palomata ng 16 puntos at 13 mula kay Mika Reyes.

Other News
  • Panukalang taasan ang bayad sa mga guro, poll workers para sa 2025 elections, suportado ni Pimentel

    SUPORTADO ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang panukalang taasan ang bayad sa mga guro at poll workers para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.     Ipinanawagan din ni Pimentel na dapat exempted sa buwis ang election-related benefits at allowances ng mga guro at magsisilbing bantay sa 2025 midterm elections.     […]

  • NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na maglaan ng oras para magnilay-nilay at kumonekta sa pamilya at mahal sa buhay ngayong panahon ng Pasko.

    Ang panawagan ng Pangulo ay matapos pangunahan ang  tradisyonal na  Christmas tree lighting ceremony at awarding sa mga nanalo sa “Isang Bituin, Isang Mithiin”  nationwide parol -making contest sa Palasyo ng Malakanyang.  “We have gained the reputation around the world for celebrating Christmas with more fervor than most other countries, and I think that that […]

  • Halos 5,000 indibidwal, nakatanggap ng P35.35 million na tulong medikal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office

    NAGLABAS ng P35.35 milyon na tulong medikal ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa kabuuang 4,704 na kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa mula Enero 9 hanggang Enero 13.     Sa pagbanggit sa datos na inilabas, sinabi ng ahensya na ang mga pondo ay inilabas sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program.     […]