COPA aayuda sa swimming – Buhain
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
Inihayag ni two-time Olympian at SEA Games swimming record holder Eric Buhain na handa ang Congress Organization in Philippine Aquatics (COPA) Inc. na tulungan ang mga coach, trainer at iba pang indibidwal sa sector ng sports na apektado ng COVID-19 pandemic.
“Actually, nabuo namin ang COPA kasama ang mga kapwa ko swimming coach at mga kaibigan bago pumutok ang COVID-19. Kasama sa programa namin ang magsagawa ng trainings at seminars, but with COVID-19 pandemic, natuon ang pansin namin sa fund-raising para matulungan natin ang ating mga kasama na umaasa sa swimming,” pahayag ni Buhain.
Gumagawa na rin ng programa ang COPA, bukod sa maliit na halagang ayuda, para mabigyan ng ‘loan’ ang mga swimming coach at trainor at makapagtayo ng maliit na negosyo tulad ng online selling.
“Natutuwa kami at marami tayong mga kaibigan na talagang nagbigay ng tulong, so far mahigit 500 swimming group na ang tumutulong sa COPA. Yung unity at malasakit sa swimming community,” sambit ni Buhain sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via zoom sa pamamagitan ng Sports on Air at livestream sa YouTube at Facebook.
Sa kasalukuyan, suportado ni Buhain ang panawagan ng swimming community na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik ng swimming.
“May mga pag-aaral naman na talagang nagsasabi, mismong DOH sinabi na namamatay ang virus sa tubig na may chlorine at acid which is matatagpuan sa tubig sa swimming pool. Under strict health protocol, kaya naman na maibalik na ang swimming,” sambit ni Buhain.
“Itong swimming sports naman ay hindi yung magtatampisaw at magsasama ang mga bata. Per lane naman ito, isang swimmer per lane at salubungan. Besides, dadaan sila sa rapid test before sumabak kaya mababa ang tsansa sa hawaan,” ayon kay Buhain sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.
“We have to be positive, I think ito ang thinking ng lahat ng kapwa ko atleta lalo na yung mga nag-qualified na sa Tokyo Olympics,” aniya.
-
Kinumpirma ng anak niyang si Andi: JACLYN, pumanaw sa edad na 60 dahil sa ‘heart attack’
NAGULAT ang buong entertainment industry sa biglaang pagpanaw ng award-winning actress na si Ms. Jaclyn Jose sa edad na 60. Linggo ng gabi (March 3) nang kumalat ang balitang pumanaw ang aktres. Bagama’t walang nabanggit na cause of death ng aktres, may mga lumabas na balitang nahulog daw ito sa hagdan sa […]
-
After nang kinagiliwang vlogs kasama si Borgy: Sen. IMEE, nakipag-bonding naman kay Atty. MICHAEL sa isang rare interview
ISA na namang bonggang linggo ng mga kapana-panabik na dalawang bagong vlogs ang hatid ni Senator Imee Marcos sa kanyang opisyal na YouTube channel na tiyak na kagigiliwan ng kanyang mga tagahanga. Una na rito, nagbigay-pugay si Sen. Imee sa kanyang ama at dating Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., bilang pagunita sa ika-33 […]
-
Utang ng Pilipinas P11.97 trilyon na nitong Oktubre, pinakamalaki uli sa kasaysayan
Muli na namang pumalo ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas noong sa nakaraang dalawang buwan habang patuloy na tumutulak ang coronadisease pandemic (COVID-19). Papalo na ito sa P11.97 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2021, balita ng Bureau of Treasury (BTr) sa isang pahayag ngayong ika-1 ng Disyembre. Ito na ang pinakamalaki sa […]