• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases papalo ng 1-milyon- OCTA Research

Hindi malabong sumipa sa higit 1-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.

 

 

Ito ang sinabi ng independent group na OCTA Research sa kanilang pinakabagong report.

 

 

“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa report ng grupo.

 

 

Ayon sa OCTA, bagamat bumagal ang pagkalat ng coronavirus sa National Capital Region sa nakalipas na mga araw, tumaas pa rin ng 20% ang antas ng impeksyon dahil sa higit 5,000 bagong kaso ng rehiyon sa nagdaang linggo.

 

 

Mula March 29 hanggang April 4, o kahapon, nasa 1.61 daw ang reproduction rate ng NCR. Ibig sabihin, mayroong 161 na taong nahahawaaan sa kada 100 indibidwal na may COVID-19.

 

 

Nakita ng OCTA ang “rapid increase” o mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lungsod ng Mandaluyong, Las Pinas, at San Juan.

 

 

May pagbagal naman daw sa pagkalat ng sakit sa mga siyudad ng Maynila, Paranaque, Marikina, at Navotas.

 

 

Habang may downward trend, o may pagbaba sa bilang ng mga nagkaka-COVID sa Pasay at Makati.

 

 

“The reproduction number is trending down towards 1.3 or less by April 11.”

 

 

“The goal is for these LGUs to have low or negative one-week growth rates in new COVID-19 cases very soon.”

 

 

Sinabi rin ng OCTA na tumaas ng 50% ang bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa Batangas at Pampanga, na parehong nasa labas ng NCR Plus bubble.

Other News
  • Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of […]

  • Korean singer na si Chung Ha at dalawang staff, nagpositibo sa COVID-19

    NAKASAILALIM sa self-quarantine ang South Korean singer na si Chung Ha.   Ito ay makaraan na dalawa sa kanyang staff ang magpositibo sa COVID-19 pagkatapos ng kanilang show sa Italy. Sa pahayag ng MNH Enter-tainment, katatapos lamang mag-show sa Italy ni Chung Ha at pagbalik ng South Korea, dalawa sa kanyang staff ang nagpositibo sa […]

  • 6 milyong metric tons ng basura nahakot sa cleanup drive ng SMC

    UMAABOT sa 6 milyong metriko tonelada ng basura ang nahakot ng San Miguel Corporation (SMC) sa isinagawang clean up drive sa mga  ilog sa Metro Manila.     Kabilang sa nakuhang mga basura ang nasa 3 milyon tonelada sa flood prone area sa lalawigan ng Bulacan at mag-uugnay sa bayan ng Meycauayan, Obando, Bulakan, Bocaue, […]