• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500

TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.

 

Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.

 

Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) matapos makapaglunsad ng COVID-19 tests sa 4.01 milyong indibidwal. Sa kabila niyan, 14 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang resulta, Lunes.

 

Kalakhan sa mga sariwang bilang ay produkto ng mga sumusunod na probinsya’t rehiyon sa Pilipinas:

·National Capital Region (566)

·Cavite (174)

·Pangasinan (145)

·Northern Samar (104)

·Quezon (98)

 

“99 duplicates were removed from the total case count. Of these, 77 recovered cases and 2 deaths have been removed,” saad ng DOH sa isang pahayag.

 

“Moreover, 7 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”

 

Pero hindi lahat ng bilang na ‘yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o ‘di kaya’t namatay na. 48,040 na lang tuloy ang nalalabing “active cases” sa mga ‘yan.

 

Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakurang sakit ang 50 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 6,497 ang total local COVID- 19 casualties. (Daris Jose)

Other News
  • Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI

    MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.   Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor.   “They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas […]

  • Mga estudyanteng babakunahan sa panahon ng school days, excused mula sa pagdalo sa klase— DepEd

    EXCUSED ang mga kabataang mag-aaral mula sa pagdalo sa klase na magpapartisipa sa coronavirus disease (COVID-19) vaccination drive.     Tinukoy ng Department of Education (DepEd) ang mga kabataang mag-aaral na may edad 5 hanggang 11 na makikiisa sa nasabing vaccination drive.     Sinabi ni DepEd Bureau of Learner Support Services School Health Division […]

  • Ads May 18, 2021