• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19.

Sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary, Usec. Joji Aragon, malaki ang maitutulong ng programang ito sa DOLE upang mabigyan ng mapagkakakitaan ang mga mamamayan na wala ng binalikang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang mga kompanya o mga pinapasukang business establishments.

Sinabi pa ni Aragon, kapag naipatupad na ang emergency employment sa ilalim ng tupad program, agad na nilang masisimulan ang tinatawag na community-based emergency employment na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan na nawalan ng mapagkakakitaan.

Aniya pa, sisimulan ang implementasyon ng programa sa mga rural areas hanggang sa mga urban places.

Sinasabing, ilan lamang sa mga maaring maitulong ng TUPAD program ay ang pagLikha ng mga trabahong may kaugnayan sa paglaban sa covid19, tulad aniya ng pagiging contact tracer, data encoDer Sakaling mayroon backlog sa mga pag-input ng mga COVID cases at ang occupational safety and health. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM sa anti-poverty commission, alamin at kilalanin ang ‘problematic’ areas, makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya

    KAAGAD na nagbigay ng kanyang marching order  si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) para alamin at kilalanin ang mga o identify ang “problematic” communities at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino indigents.     “‘Yung mga ibang lugar na talagang hindi makabangon dahil […]

  • DepEd, pinasalamatan ang donors ng Brigada Eskwela

    Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang mga donors at sumusuporta sa “Brigada Eskwela” program.   Lahad ni External Partnerships, and Project Management Service Tonisito M.C. Umali Esq. sa online press conference, layon ng BE ngayong taon na mag-focus sa partnership activity at engagement” bilang suporta sa pagpapatupad ng Basic Education -Learning Continuity Plan (BE-LCP). […]

  • Mayor Isko handang magpaturok ng Sinovac

    Handa si Manila City Mayor Isko Moreno na isa sa mauunang magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac makaraang mabigyan na ito ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA).     Sa pulong ni Moreno sa mga miyembro ng Manila City Council ipinaalam niya na ang kahandaan na mabakunahan ng naturang […]