COVID-19 cases sa Metro Manila, bumaba pa sa 9%
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
Bumagsak pa sa siyam na porsiyento ang naitatalang COVID-19 cases sa Metro Manila na kasunod rin nang pagbaba sa ‘healthcare utilization’ sa rehiyon, ayon sa OCTA Research Group.
Sa datos ng OCTA, nakapagtala ng 667 daily cases mula Hunyo 21 hanggang Hunyo 27 na mas mababa sa 731 kasong arawang average mula Hunyo 14 hanggang 20.
Dahil dito, bumaba rin ang ‘average daily attack rate (ADAR) sa 4.83 per 100,000 population. Nagresulta ito na ilagay ang Metro Manla sa ‘moderate-low risk area’.
Nanatili naman ang ‘positivity rate’ sa Metro Manila sa 7 porsyento habang nasa ‘safe levels’ na ang utilization rate ng healthcare facilities.
Nasa 36% ang hospital bed occupancy, 45% ang ICU bed occupancy, at 32% ang mechanical ventilator occupancy.
Tinukoy ng OCTA ang mga lungsod ng Navotas, San Juan at Pateros sa may pinakakaunting ‘daily average cases’ na hindi bababa sa 10 kada araw. Pinakamababa rin ang ADAR ng Navotas.
Mas mababa na rin sa 5 ang ADAR ng mga siyudad ng Caloocan, Marikina, Malabon, Valenzuela, Quezon City, at Manila na mga “moderate-low risk areas” na.
“The other local government units (LGUs) in Metro Manila are considered moderate risk areas, with an ADAR between five and 10 per 100,000”, dagdag pa ng OCTA.
-
Sa kabuuang 181, patay ang 179 at 2 lang ang nakaligtas… Jeju Air, nag ‘sorry’ matapos ang kalunos-lunos na aksidente ng plane crash sa SoKor
HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng Jeju Air, may ari ng Jeju Air flight kung saan sinapit ang kalunos-lunos na aksidente na kinasasangkutan ng kumpanya. ‘We at Jeju Air will do everything in our power in response to this accident. We sincerely apologize for causing concern,’ Pahayag ng airline company sa kanilang social media post. […]
-
Mayo 3 deklaradong holiday dahil sa pagtatapos Eid’l Fitr
IDINEKLARA ng Malacañang bilang national holiday ang Mayo 3, 2022 bilang obserbasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr. Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos na magkaroon ng bahagyang kalituhan. Unang inanunsiyo kasi ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula sa Mayo 2 ang Eid’l Fitr. […]
-
Dagdag isolation facilities bubuksan na rin sa mga PROs sa NCR Plus – PNP
PROBLEMA ngayon ang isolation at quarantine facilities sa mga kampo ng Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa. Kaya ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdagdag ng mga isolation facilities hindi lamang sa Camp Crame kundi maging sa mga Police Regional Offices […]