COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.
Ito na ang ika-14 na araw na nag-ulat ang kagawaran ng higit 2,000 bagong kaso ng COVID-19. Katumbas din nito ang isang linggo na higit 4,000 new cases.
Ang naturang bilang ng mga bagong kaso rin ang ikalima sa pinakamataas na naitalang numero ng new cases mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa.
“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 17, 2021.”
Dahil dito sumipa pa sa 66,567 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling virus.
Mula sa kanila 93.3% ang mild cases, 3.7% asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, 1.2% na severe at critical, at 0.64% moderate case.
Nadagdagan naman ng 439 ang total recoveries na ngayon ay nasa 561,530.
Samantalang 21 ang nadagdag para sa 12,887 total deaths.
“4 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 are recoveries. Moreover, 6 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”
-
PBBM, walang balak palawigin ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV)
WALANG plano si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin pa ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV) operators matapos ang kanilang naging pulong kasama ang mga transport offiicials para sa jeepney modernization program na nakatakda sa Disyembre 31, 2023. “Today (Tuesday), we held a meeting with transport officials, and it […]
-
36 DAYUHAN, INARESTO SA ILLEGAL GAMBLING
ARESTADO ang 36 banyaga sa isang malaking pagsalakay sa illegal online gambling companya sa Double Dragon Plaza Tower 3 sa Pasay City. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ang bureau ng ulat hinggil sa mga dayuhan na nagtratrabaho nang walang kaukulang permit sa lugar. “We coordinated with PAGCOR […]
-
Palakasin ang defense at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, siniguro
NANGAKO sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Japanese Speaker Fukushiro Nukaga na lalo pang palalakasin ang defense at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at pagpapalawig ang trilateral cooperation ng mga ito kasama ang Estados Unidos. “Our relationship is at an all-time high with the recent signing not just of […]