COVID-19 cases sumirit pa sa halos 310,000; new cases 2,025
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
BALIK sa higit 2,000 ang bilang ng mga nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 mula sa pagsirit nito sa higit 3,000 kahapon.
Batay sa case bulletin ng De- partment of Health, mayroong 2,025 additional confirmed cases ngayong araw. Dahil dito umakyat pa ang total ng COVID-19 cases sa 309,303. Apat na laboratoryo lang daw ang hindi nakapag-submit ng report kagabi. Kabilang dito ang:
1. Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital
2. Kaiser Medical Center Inc.
3. Safeguard DNA Diagnostics
4. The Doctors Hospital, Inc.
“Of the 2,025 reported cases today, 1,641 (81%) occurred within the recent 14 days (September 16 – September 29, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (540 or 33%), Region 4A (296 or 18%) and Region 3 (239 or 15%).”
Ang mga active cases o nagpapagaling pa ay nasa 50,925.
Samantala, 290 ang additional sa total recoveries na ngayon ay nasa 252,930. Habang 68 ang nadagdag sa death toll na pumapalo na sa 5,448.
“Of the 68 deaths, 49 occurred in September (72%), 12 in August (18%) 4 in July (6%) 2 in May (3%) and 1 in April (1%). Deaths were from NCR (26 or 38%), Region 6 (13 or 19%), Region 4A (7 or 10%), Region 3 (6 or 9%), Region 5 (3 or 4%), Region 9 (3 or 4%), Region 7 (2 or 3%), Region 10 (2 or 3%), Region 12 (2 or 3%), Region 4B (2 or 3%), Region 11 (1 or 1%), and BARMM (1 or 1%).”
Ayon sa DOH, 10 duplicates ang kanilang tinanggal mula sa total case count, kung saan apat ang recoveries at isa ang death case.
Mayroon din 21 recoveries ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na sila ay mga patay na. (Ara Romero)
-
Naalala ang daddy nang makita ang gazebo: IZA, naging emosyonal nang nakabalik sa GMA after 12 years
ANG ganda-ganda ni Iza Calzado nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Tuesday, November 14. Pagpasok pa lamang ng studio, hindi na napigilan ni iza ang maiyak na after 12 years ay nakabalik siya sa Kapuso Network, lalo pa at naalaala niya ang yumao niyang ama, ang actor-director na si […]
-
‘Big fish’ target ni Cascolan sa drug war
Target ng bagong upong hepe ng PNP na si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang mga bigtime drug personalities sa bansa. Ayon kay Cascolan, mas paiigtingin nila ang kanilang trabaho upang malambat ang mga indibiduwal o grupo na patuloy na nagsasagawa ng illegal drug operations. Aniya, titiyakin niyang ang case build up ay gagawin […]
-
Ilang eksperto, inirekomenda ang pag-inom ng paracetamol sakaling makaranas ng adverse effect
PINAYUHAN ng mga health expert ang mga nagpabakuna laban sa Covid-19 na na uminom ng analgesics o paracetamol kapag nakaramdan ng Flu like symptoms o adverse side effect. Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Heart Association at cardiologist Dr. Orly Bugarin, na normal lamang talaga na makaranas ng panandaliang sakit pero pwede aniya […]