COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP).
Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team.
“Sa ngayon umaasa tayong kaya pa rin iyan: katapusan ng August ma-flatten ang curve, or puwedeng kahit September siguro mangyari iyan,” aniya sa isang panayam.
Samantala, kahit pa ma-flat ang kurba, aabutin pa rin ng isa hanggang dalawang buwan bago maabot ang “very manageable” level.
“Hindi naman ibig sabihin flatten iyong curve, tapos na… Kaya kailangan, talagang continuous iyong effort natin. Hindi tayo puwedeng magpabaya kasi puwedeng magka-surge ulit iyan.”
Kasalukuyan namang isinasapinal pa ang UP OCTA Research Group sa ulat sa coronavirus hotspots para sa gobyerno. (ARA ROMERO)
-
COVID-19 cases sa PNP tumataas
Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel. […]
-
Sa MP2 savings program: Pag-IBIG members nakaipon ng P26 bilyon
UMAABOT na sa halos P26 bilyon ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings program na isang pananda na mas dumami pa ang mga pumapasok at sa programang ito sa kabila ng umiiral na pandemya. Ang MP2 Savings program ay isang voluntary savings platform […]
-
BBM SUPORTADO NG MGA DATING PNP, AFP AT MEDAL OF VALOR AWARDEES
NAGKAKAISANG nagpahayag ng suporta ang mahigit 100 dating matataas na opisyal ng militar at pulisya para sa kandidatura ng nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Pito sa mga ito ay dating hepe ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard; siyam na Medal of Valor awardees, […]