• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 death toll worldwide nasa 4,300 na – reports

NADAGDAGAN pa sa kabuuang 4,300 ang death toll sa ilang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

 

Sa bagong data (as of March 11), mula kaninang umaga nasa 26 ang nadagdag sa mga namatay kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mainland China.

 

Pinaka-marami ang iniulat mula sa Italya na nasa 168 na nagmula naman sa loob ng 24 oras.

 

Samantala, patuloy din naman ang paglobo pa ng bilang ng mga infected ng virus sa buong mundo magmula noong buwan ng Disyembre na umabot na sa 119,235.

 

Pero sa nabanggit na bilang halos kalahati na rin ang gumaling na umaabot sa 66,577.

 

Sa kabuuang bilang ng mga kaso na nagpositibo nasa 42,611 o 88 percent sa mga nahawa ay nasa mild condition, habang naitala naman sa 5,747 o 12 percent ang mga nasa seryoso o nasa critical condition.

 

Lumalabas din sa data na 6 percent ang namatay mula sa mahigit 119,000. (Daris Jose)

Other News
  • Tiangco, pinangunahan ang turnover ng mga gamit sa mga paaralan

    BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng iba’t ibang kagamitan para sa mga pampublikong paaralan. (Richard Mesa)

  • Type din niya ang malaking biceps ng ka-loveteam: BARBIE, gustung-gusto ang pagiging maalaga ni DAVID

    TINANONG si Barbie Forteza kung ano ang mga qualities ni David Licauco ang gusto niya.       Lahad ng Kapuso actress, “Ang mga gusto kong qualities ni David, yung ahhh… pag-aalaga niya sa akin ‘pag kami lang dalawa.       “Yung kapagka kunyari, actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, […]

  • Belmonte, mga kaalyado sa Quezon City naghain ng COC

    “HIGIT na palalakasin ang mga premyadong programa tulad ng social services, health, education at shelter kapag pinalad na maging alkalde muli ng Quezon City sa darating na May 12 election sa susunod na taon.”     Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmonte kasabay ng kanyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) pasado ala-1 ng […]