• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 ni ex-Manila Mayor Lim ‘di alam kung saan galing

Hindi pa rin alam ng pamilya ng nasawing dating Manila Mayor Alfredo Lim kung paano ito nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng pagkamatay nito.

 

“On a weekend, lumalabas siya. Tatlo, apat, hanggang limang beses. Saglit lang ‘yun. Kain lang siya ng breakfast niya, pagkatapos, paalaman na,” saad ng anak nitong si Roland sa isang panayam.

 

Huling naaktuhan si Lim sa isang restaurant sa Sta. Cruz, Manila noong July 4 kasama ang ilan nitong pamilya na wala namang COVID-19.

 

“Nagtatanong nga sila saan nanggaling e bihira siyang lumabas, wala namang lumalabas sa kanilang mag-anak. ‘Yun ang masamang parte na hindi mo alam kanino nanggaling,” kwento pa nito.

 

Namatay aniya ang kanyang ama dahil sa kidney complication dulot ng COVID-19.

 

“Actually, nagkaroon siya ng COVID pero ang ikinamatay niya is kidney failure, which is a complication na rin ng COVID,” lahad pa ni Roland.

 

“Magmula lang no’ng magkasakit siya, do’n na. Sabihin na nga nating ‘yun pala ang epekto ng COVID na ito, na lahat ng internal is nagagalaw.”

 

Nalaman lamang na positibo si Lim sa virus nang na-admit sa Sta. Ana Hospital noong August 4.

 

“Walang nag-expect na magkakaroon siya [ng COVID-19] kasi si tatay, physically ang condition niya is talaga namang sabihin nating napakaganda.”

Other News
  • Matindi lang ang eksena ni Rio na kinunan: RURU, nilinaw na fake news ang kumalat na walang medic sa set ng ‘Black Rider’

    NANANATILING solid at loyal na Kapuso si Michael V. sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA.     At dahil marami-rami na rin siyang nagawang proyekto para sa GMA, natanong ang comic icon kung handa na rin kaya siyang bumalik sa pagho-host ng variety o game show?     “Parang hindi pa time,” lahad […]

  • Pinabo-boycott ang kanyang upcoming concert: JED, na-bash nang husto kaya binura ang pinost sa X

    ISANG malaking isyu sa X ang ginawang pag-delete ng singer na si Jed Madela ng kanyang ipino-post na poster para sa concert niya.   Usap-usapan sa X ang pagbura raw ni Kapamilya singer “Welcome to my World” sa Music Museum, sa darating na Hulyo 5, 2024.   Ang dahilan marahil ay ang ginawang sunod sunod […]

  • DAYUHANG MAGULANG, ANAK NA PINOY, EXEMPTED NA SA EED

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang magulang at anak nilang Filipino ay maaari nang pumasok ng bansa kahit walang entry exemption document (EED) mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na bagama’t knakailangang magpakita ng EEDs ang nasabing mga dayuhan sa kanilang pagdating […]