COVID-19, posibleng tumaas ngayong Amihan – DOH
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
POSIBLE umanong tumaas ang mga naitatalang kaso ng respiratory inspections sa bansa ngayong panahon na ng taglamig dahil sa Amihan, kabilang na rito ang ubo, sipon at maging COVID-19.
Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang nagbigay ng naturang babala sa publiko .
Ayon kay Herbosa, ang mga naturang sakit ay maaaring lumala at mauwi sa pneumonia, pagkaka-ospital at pagkamatay kung mapapabayaan.
“So we take care of the high risk people. Ganon din ‘yung very small children, they can also have bronchopneumonia and be hospitalized,” anang health chief.
Dagdag pa niya, “It’s actually dahil kulob kasi ang isang room with one people coughing, hawa-hawa na kayo ng acute respiratory infection. Ubo, sipon, lagnat, pati COVID.”
Bukod dito, tiniyak din naman ni Herbosa na patuloy ang monitoring nila sa mga influenza-like illnesses (ILIs) at water-borne diseases ngayong Amihan season.
Pinayuhan din niya ang publiko na panatilihing malinis ang mga kamay, magsuot ng face mask kung nasa mga pampublikong lugar at tiyaking regular na umiinom ng tubig upang maiwasan ang pagkakasakit.
Una nang inianunsiyo ng PAGASA na asahan na ang unti-unting paglamig ng panahon sa bansa dahil sa opisyal nang pagsisimula ng Amihan season.
-
Dela Pisa desididong manalo ng gold medal
PURSIGIDO si national gymnast Daniela dela Pisa na magwagi ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games 2021 na sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2. Kaya bigay todo na siya sa paghahanda sa kasalukuyan sa tuwing ikalawang taong paligsahan para sa 11 bansa. Kababalik lang Hungary training camp ng 17-anyos […]
-
Kongreso magiging katuwang ng PSC
IPINANGAKO ng Congress Committee on Youth and Sports Development ang pag-asiste sa paghiling ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. Batay ito sa committee regular meeting sa nakaraang linggo sa House of Representatives sa Quezon City na dinaluhan ng iba […]
-
Ads March 3, 2021