• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research

BAHAGYANG  bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.

 

 

Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.

 

 

Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.

 

 

389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.

 

 

Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20).

 

 

Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.

Other News
  • All-Filipino lineup handang iparada ng Gilas

    Handa ang Gilas Pilipinas na isabak ang all-Filipino lineup nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sakaling hindi umabot ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame.   Ilang araw na lamang ang nalalabi bago tumulak patungong Manama, Bahrain ang Gilas Pilipinas.   Subalit nananatiling opti­­mistiko ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makukuha ni Kouame ang naturalization […]

  • Ke Huy Quan Takes the Lead in ‘Love Hurts’, Fil-Am Jonathan Eusebio’s directorial debut

    FROM Hollywood’s celebrated Fil-Am stunt coordinator Jonathan Eusebio—known for his groundbreaking work on Black Panther, the John Wick franchise, The Matrix Resurrections, and more—comes a pulse-pounding debut as he steps into the director’s chair with Love Hurts, a gritty tale of love and retribution.     The film, starring Ke Huy Quan in his first […]

  • LTO: Mga PUVs lalagyan ng speed limiters

    SERYOSO ang pamahalaan na ipatupad ang paglalagay ng mga speed limiters sa mga public utility vehicles (PUVs) na dapat sana ay noong 2016 pa pinatupad ng Land Transportation Office (LTO).   Sa pinagsamang lakas ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB, at LTO, sinabi ng mga ahensiya na pinaghahandaan na […]