COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA
- Published on December 27, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon.
Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong December 17 ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR nitong December 24.
Nitong December 25, ang rehiyon ay nakapagtala ng 255 bagong kaso ng COVID- 19.
Nagkaroon naman ng pagtaas ang positivity rate sa apat na lalawigan sa Luzon sa Albay, Ilocos Sur, Kalinga at Pampanga.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 23.3 percent ang Albay ay nakapagtala ng pagtaas sa positivity rate na 35.4 percent at sa Ilocos Sur mula 30.6 percent ay naging 44.8 percent.
Ang Kalinga naman ay nakapagtala ng positivity rate na 41.7 percent mula sa 26.2 percent at sa Pampanga na mula sa 12.5 percent ay naging 17 percent ang Covid-19 positivity rate. (Daris Jose)
-
PBBM binigyang pugay mga Filipino OFWs sa Laos
BINIGYANG pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Overseas Filipino Workers sa Lao People’s Democratic Republic. Sa kanyang talumpati sa pagharap sa daan-daang miyembro ng Filipino Community sa Laos, kinilala ng Pangulo ang kanilang kontribusyon kabilang ang mga guro na naghuhulma sa mga magiging lider ng nasabing bansa sa hinaharap, mga ihinyerong […]
-
CA natanggap na appointment papers nina DILG Sec. Jonvic Remulla at DTI Cristina Roque
KINUMPIRMA ng Commission on Appointments na natanggap na nga nila ang mga appointment papers ng bagong talagang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Linggo, Oktubre 13. At maging ang appointment papers ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque. Ayon kay Surigao Del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel, […]
-
3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police
ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO. Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET […]