COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26%
- Published on May 24, 2023
- by @peoplesbalita
UMAKYAT sa 26% ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group.
Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9%
Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity rate naman ay nasa 24.1%, batay ng Department of Health na kung saan mayroong 2,014 na bagong kaso ng nakamamatay na sakit.
Kung matatandaan, ang nationwide COVID-19 positivity rate noong nakaraang araw ay nasa 23.8 percent lamang.
Una na rito, ang COVID-19 tracker ng DOH ay nagpahiwatig na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 4,121,513.
Kasama sa bilang na ito ang 16,504 na aktibong kaso, 4,038,573 ang nakarekober, at 66,453 na mga nasawi sa naturang virus.
-
PBBM, nagpalabas ng EO 34, idinedeklara ang Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino Program bilang flagship program
NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order (EO) No. 34, idinedeklara ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) bilang flagship program ng gobyerno. Inaatasan din nito ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magpalabas ng inventory ng angkop na lupain para sa programa. “The 4PH Program is […]
-
Para matigil na ang PRICE MANIPULATION:
DA, tinitingnan ang pag-alis sa brand labels sa imported na bigas INANUNSYO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang plano nitong alisin ang brand labels sa imported na bigas sa layuning labanan ang price manipulation. “After conducting a series of market visits, we now have reason to believe that some retailers and traders are […]
-
P150 umento sa sahod sa private sector, iginiit
DAHIL sa sobrang mahal ng mga bilihin, isinulong sa Kamara ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang across the board wage recovery na P150 umento sa arawang sahod ng private sector employees. Sa House Bill (HB) No. 7871 ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Representative at House […]