• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 positivity rate sa NCR lalo pang tumaas

LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group.

 

 

Ang positivity rate ay porsyento ng tao na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumalang sa COVID-19 test.

 

 

Sa pag-aanalisa sa datos, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David ang lalawigan ng Aklan ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa 26.9% mula 21% ng sinundang linggo

 

 

Ang iba pang lugar na lumagpas na sa 5% benchmark ng World Health Organization ay ang mga lalawigan ng Antique, Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Capiz, Cavite, Cebu, Iloilo, ­Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Rizal, at Tarlac.

 

 

Sa kabila nito, bumaba naman ang reproduction rate sa NCR na nasa 1.49 ngayon mula sa dating 1.6 noong nakaraang linggo.

 

 

Ang reproduction number ang tumutukoy sa bilang ng tao na nahahawa ng isang indibidwal na may COVID-19 infection.  Kapag bumaba sa 1 ang reproduction number, nangangahulugan na nakokontrol at bumababa na ang reproduksyon ng virus.

 

 

Nananatili rin na mababa ang healthcare utilization rate (HCUR) sa NCR na nasa 28.4%, na tinitingnan ng mga eksperto na maganda pa ring indicators.

 

 

“Actually hindi lang sa NCR. Pati the rest of the Philippines. Karamihan ng areas ay below 50% naman ‘yung hospital utilization and ito ‘yung metric na pinakabinabantayan natin,” saad ni David.

 

 

Inaasahan ng OCTA na maaabot ang peak na 2,000 kaso kada araw sa kalagitnaan o hulihan ng Hulyo ngunit hindi na lalagpas sa 50% ang HCUR ng NCR.

 

 

Nitong Linggo, nakapagtala ang Pilipinas ng 2,018 bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamataas sa loob ng limang buwan.  Nasa 13,818 naman ang aktibong kaso sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Pilipinas, may sapat na kakayahan para gamutin ang mga posibleng tamaan ng UK variant ng Covid -19

    TINIYAK ng Malakanyang na may sapat na kakayahan ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit o mahahawaan ng UK variant ng Covid -19.   Ito ang dahilan ani Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binawi na ng gobyerno ang travel ban sa ilang mga bansa na una nang nakitaan ng bagong variant ng virus.   […]

  • Kaugnay ng Semana Santa… Mahigit 2,000 personnel, idedeploy ng MMDA sa major roads ng MM

    MAHIGIT 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipapakalat sa mga pangunahing lansangan at mga hub ng transportasyon sa Semana Santa.     Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan, may kabuuang bilang na 2,104 na mga personnel ang magmomonitor ng mga major roads sa Metro Manila.     Partikular na sa mga lugar […]

  • 1,821 bagong COVID-19 cases naitala nitong nakaraang linggo — DOH

    LUMOBO  nang 36% ang nahawaan ng COVID-19 habang sumisipa ang influenza-like illnesses sa paglapit ng Pasko, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).     Umabot sa 1,821 bagong kaso ng nakamamatay na virus ang naitala mula ika-5 hanggang ika-11 ng Disyembre, mas mataas kumpara sa 1,340 noong nakaraang linggo:   daily average […]