Covid-19 Saliva test inaasahang maaprubahan ng gobyerno
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na maaaprubahan na ng gobyerno ngayong linggo ang COVID-19 saliva test.
Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial, head ng molecular laboratory ng PRC, na posibleng makuha nila ang approval sa paggamit ng saliva test mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa mga darating na araw.
Aniya, nakumpleto na nila ang pilot run para sa pagsusuri sa may 1,000 samples ng saliva testing.
Nairehistro na rin nila sa FDA ang mga kits na gagamitin sa pagsusuri para sa sertipikasyon nito.
Sa sandaling payagan na ng pamahalaan ang saliva test para sa COVID-19 diagnosis ay maaaring sumunod na rin ang iba pang laboratoryo.
Ang magiging problema lamang aniya ay kung iba ang gagamiting reagents ng mga ito dahil kakailanganin pa nilang gumawa ng validation study na kahalintulad ng ginawa ng PRC.
Dagdag pa niya, ang pagkuha ng regulatory approval ay mangangahulugan rin na madaragdagan ang COVID-19 daily testing gamit ang mas mura, mas mabilis at mas kumbinyenteng paraan ng pagsusuri na kasing accurate rin ng swab test, na itinuturing na gold standard sa COVID testing. (Daris Jose)
-
5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca. Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na […]
-
Babylove Barbon, Gen Eslapor nanalasa sa beach volleyball
Lumapit ang tambalang reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor sa pangwalong sunod na titulo para sa University of Santo Tomas nang itumba sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s beach volleyball tournament semifinals Linggo ng hapon sa Sands […]
-
LTFRB: 2,000 UV Express units balik kalsada
HALOS mayroong 2,000 UV Express units ang pinayagan muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumalik sa kanilang operasyon. Ayon sa LTFRB may kabuohang 6,755 na UV Express units ang magkakaron ng operasyon sa 118 na pinayagang ruta sa Metro Manila matapos ang huling batch ng 2,428 na units maging operational. […]