COVID-19 testing backlogs sa PH, naipababa sa halos 1,700 – DOH
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
Masayang ibinalita ng Department of Health na naibaba na nila kasama ang iba pang accredited na COVID-19 laboratories ang testing backlogs sa mas mababa sa 2,000 sa kabila ng mga problemang kinahaharap.
“So we have a total of about 1,691 backlogs as of 6 p.m. yesterday,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing ngayong Martes.
Nagawa rin nilang maibaba ang total backlog sa Research Institute of Tropical Medicine, na may pinakamalaking kapasidad sa COVID-19 test, sa mas mababa sa 300 na lang.
Ayon kay Vergeire nang masira ang exhaust system ng negative pressure ng Western Visayas Medical Center ay nagkaroon ito ng backlog na 1,168 samples nitong weekend, ngunit naibaba rin sa 505 nitong Lunes.
Dagdag pa ito sa 353 backlogs mula sa RITM at iba pang backlogs sa 40 iba pang labs kun kaya umabot sa 1,691 ang total backlog nitong Lunes.
Samantala, pinapurihan naman ni Iloilo Rep. at dating Health Secretary Janette Garin ang bagong sistema ng Department of Health sa pagrereport ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19.
Aniya, ito ay mas accurate at transparent kumpara sa dating pag-uulat.
Ikinatuwa ni Garin ang pag-amin sa mga kakulangan at sinabing ang pagkategorya ng ‘fresh’ at ‘late’ cases ay makapagbibigay ng mas malinaw na larawan sa sitwasyon ng bansa.
“What we see now, the fresh and the late cases, is more accurate,” ani Garin sa CNN Philippines.
“It’s accurate because the figures that were being given to us before was not that accurate. Because some reported too late, others had incomplete information so they could not report it.”
“It’s actually being transparent, it’s admitting the faults done initially. It’s correcting the data so that strategists and people will understand the degree of infection,” dagdag pa nito.
-
Godzilla vs. Kong Sequel Filming Later This Year In Australia
A new report reveals that the sequel to Godzilla vs. Kong will start filming later this year in Australia. Acting as the fourth installment in Legendary Entertainment’s Monsterverse, Godzilla vs. Kong sees the two titular titans face off in a battle of epic proportions. The film follows the events of Godzilla, Kong: Skull Island, and […]
-
P100 milyong piso, ilalaan ng DA-BFAR para palakasin ang produksyon ng asin
MAGLALAAN ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng P100 milyong piso para palakasin ang produksyon ng asin sa bansa. “Para sa taong 2022 isinusulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paglalaan ng pondo sa halagang P100 million,” ayon kay BFAR Chief […]
-
Fans nina KATHRYN at DANIEL, wala nang dapat ipag-alala sa relasyon ng dalawa dahil sa latest post ni KARLA
NAPUNO ng heart emoji ang comment section ng latest Instagram post ni Karla Estrada. Kasi naman, ang pinost nito ay ang picture ng anak na si Daniel Padilla at ng girlfriend nito na si Kathryn Bernardo. Walang nakalagay kung kailan kinunan ang picture, pero dahil kaka-birthday lang ni Daniel, baka raw […]