• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 testing itaas sa 150K kada araw

Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan na kailangang itaas sa P150,000 kada araw ang COVID-19 testing upang mas epektibong matukoy ang mga nagkakasakit at agad na mailayo sa ibang tao.

 

 

Sinabi ni OCTA member Prof. Guido David na dapat itaas sa 75,000 ang testing sa National Capital Region (NCR) pa lamang at 75,000 sa ibang panig ng bansa. Maaari naman umanong ibaba ito kung hindi na kakikitaan ang NCR Plus ng surge ng mga bagong kaso.

 

 

“What we’re seeing is mataas pa rin ang hospita­lization. Maganda ‘yung trend na nagi-improve and we want to sustain the downward trend. May uncertainty pa rin dito because the positivity rate is still high,” ayon kay David.

 

 

Nitong mga huling arw, sinabi ni testing czar Secretary Vince Dizon na may average na 55,000 tests kada araw ang isinasagawa ng pamahalaan sa buong bansa. May pinakamataas ito na 60,000 lamang.

 

 

Iginiit rin ni David ang importansya ng dagdag na mga nurses na mag-aalaga sa mga COVID-19 patients. Ang kakulangan sa mga nurses umano ang bottleneck sa ngayon sa mga pagamutan.

Other News
  • Japan, nagbigay ng PH grant para bumili ng vaccine cold chain equipment

    NAGBIGAY ang Japan sa Pilipinas ng 687-million-yen (P304.7-million) grant upang makabili ang Department of Health (DOH) ng mas maraming cold chain equipment para sa COVID-19 vaccines.     Nilagdaan ng Japan International Cooperation Agency (Jica) at ng Philippine government ang grant agreement sa ilalim ng programa ng Japanese government para sa COVID-19 crisis response emergency […]

  • PBBM, “ON TRACK” para pagaanin ang epekto ng EL NIÑO, naghahanda na sa LA NIÑA phenomenon

    PATULOY na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang El Niño mitigation measures bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon, inaasahan na made-develop sa darating na buwan ng Hunyo ngayong taon.     “Government agencies will continue to implement the El Niño action plans and of course, later on, transition into […]

  • Eala napasakamay ang unang korona sa professional tennis

    BUMUWELTA sa makupad na umpisa si Alexandra ‘Alex’ Eala upang tagpasin si Yvone Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, at sorpresang kopoin ang korona ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi.     Ang pananalasa ng 15-anyos na Pinay tennis sensation ang nagkaloob sa kanya ng unang professional career title […]