COVID-19 vaccination para makakuha ng Christmas bonus, legal- Roque
- Published on November 11, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na “legal” kung ire-require ang COVID-19 vaccination sa mga empleyado para makakuha ng kanilang Christmas bonus.
Tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang polisiya ng Cebu City government na magbibigay ng P20,000 Christmas bonus sa bawat empleyado gaya ng inanunsyo ni Acting Mayor Michael Rama, kung saan dapat lamang ay fully vaccinated ang mga ito laban sa COVID-19.
“Wala po akong nakikitang pagkakamali diyan kasi Christmas bonus po ang pinag-uusapan. Hindi naman po requirement ng batas na magbigay ng Christmas bonus ,” ayon kay Sec. Roque.
“What our laws require for government workers is provision of 13th and 14th month pay. Granting Christmas bonus is discretionary, and as such, requiring a COVID-19 vaccine for that as an incentive is allowed,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Gayundin, sinabi ni Sec. Roque na ang naging panukala ng Metro Manila Council na imandato ang COVID-19 vaccination para sa mga nagtitinda sa Christmas bazaars ay katanggap-tanggap din.
“Mandating COVID-19 vaccine among their ranks is a matter of general welfare. This is a valid exercise of [the state’s] police power,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Peralta, itinalaga ni PBBM bilang PNP OIC
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagreretiro ni Gen. Benjamin Acorda Jr. “In the exigency of the service, and to ensure the continuous and effective delivery of service, please be informed that Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta […]
-
9-month infra spending, tumaas ng halos 12% ngayong 2024
LUMAKI ang gastos ng national government para sa imprastraktura ng P1.142 trillion mula Enero hanggang Setyembre,. Sa katunayan, tinukoy ang pinakabagong data, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ito ay umabot sa 11.9% mas mataas kaysa sa P1.021 trillion na naitala sa kaparehong panahon ng nakaraang taon. Sinabi pa […]
-
Mahigit sa 1.3 milyong katao, apektado ng Carina, Butchoy – NDRRMC
TINATAYANG umabot na sa 1.3 milyong katao sa buong bansa ang naapektuhan ng mga bagyong Carina at Butchoy na tumama sa bansa. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 1,319,467 katao o 299,344 pamilya ang naapektuhan ng mga nasabing bagyo. Sa mga naapektuhan, […]