• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Covid-19 vaccine hindi dapat pagkakitaan o gawing commercialize ng mga ospital- Sec. Galvez

IGINIIT ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na hindi talaga dapat na maging commercialize o maibenta sa mga ospital ang Covid-19 vaccine.

 

Sinabi ni Sec.Galvez, na kung siya ang tatanungin ay nais niyang mapangalagaan ang kasalukuyang proseso na ipinatutupad ng Food and Drug Administration (FDA) pagdating sa pag-aangkat ng bakuna.

 

Aniya, una nang sinabi ng FDA na ang tanging aaprubahan ng kanilang ahensya ay ang mga nag-a-apply lamang ng Emergency Use Authorization (EUA), na nangangahulugan aniya na hindi maaaring maging commercial ang Covid-19 vaccine.

 

Magugunitang, makailang beses nang sinabi at ipinangako ng gobyerno sa publiko na magiging libre para sa mga Filipino ang bakuna laban sa virus lalo na sa mga senior citizen at mga mahihirap.

 

Samantala, may dalawang paraan ang gagamitin ng pamahalaan upang maipaalam sa loob ng limang araw sa mga priority individuals

 

Ang iskedyul ng kanilang pagpapaturok ng Covid 19 vaccine sakaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng taon.

 

Sa pamamagitan aniya ng paggamit ng QR code at ng tinatawag na war room agad na maipaaabot sa mga prayoridad na indibidwal ang takdang araw ng kanilang pagpapabakuna.

 

Sa ganitong paraan aniya ay magiging mabilis na maipararating ang information dissemination mula sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga barangay.

 

Partikular itong gagamitin sa mga mga area na may matataas na internet connection tulad aniya ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportasyon, hindi na required – DOTr

    Hindi na rin mandato ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon epektibo Nobyembre 16.     Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., alinsunod ang naturang hakbang sa direktiba na inisyu ng IATF at inaprubahan ng pamahalaan kung saan boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa ilalim ng alert level 1, […]

  • Isusumpa ng manonood sa bago nilang serye: JENNICA, puring-puri si SHARON sa pagiging humble sa kabila ng kasikatan

    IKATUTUWA mo, my dear entertainment editor Rohn Romulo ang mga papuri ni Jennica Garcia sa mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta.   Nabanggit kasi ni Jennica na kasali siya sa teleseryeng ‘Saving Grace’ na pinagbibidahan nina Sharon.   Lahad ni Jennica, “So ang susunod po natin, Saving Grace, Ms. Sharon Cuneta po ito.“Kung minahal […]

  • COVID vaccine mula sa Pfizer nakarating na sa Singapore

    Natanggap na ng Singapore ang unang shipment ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at BioNTech.   Lulan ng flight SQ7979 ng Singapore Airlines 747-400 freighter ang nasabing bakuna.   Mula umano ito sa Brussels at dumating sa Changi Airport ng Singapore ng alas-7:36 pm nitong Lunes ng gabi.   Tinanggap ito ni Transport Minister […]