COVID vaccine mula sa Pfizer nakarating na sa Singapore
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Natanggap na ng Singapore ang unang shipment ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at BioNTech.
Lulan ng flight SQ7979 ng Singapore Airlines 747-400 freighter ang nasabing bakuna.
Mula umano ito sa Brussels at dumating sa Changi Airport ng Singapore ng alas-7:36 pm nitong Lunes ng gabi.
Tinanggap ito ni Transport Minister Ong Ye Kung at ito ay dinala sa SATS’ cold-chain facility para doon itago.
Sinabi ni Ong na naging ligtas naman ang pagdating ng bakuna at kanilang sisimulan ang pamamahagi ng bakuna sa iba’t ibang lugar sa kanilang bansa.
Magugunitang inanunsiyo ni Prime Minister Lee Hsein Loong noong Disyembre 14 na kanilang binigyan ng emergency authority ang nasabing bakuna. (ARA ROMERO)
-
JOHN LLOYD, binigyan ng kakaibang importansiya at payo si JOSHUA
WALA pa rin kupas ang isang John Lloyd Cruz. Kahit na tatlong taon din yata na nag-leave ito sa showbiz, tila nasasabik pa rin sa kanya ang mga tagahanga niya. Pinagkaguluhan si John Lloyd ng mga fan niya sa Sorsogon. Kasalukuyang nasa naturang probinsiya ang actor para sa shooting ng Servando […]
-
Batas na maghahati sa QC barangay sa 3, “nag-lapse into law”
“NAG-LAPSED into law’ ang isang batas na maghahati sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City sa tatlong “distinct and independent barangays” na walang pirma si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa bisa ng Republic Act No. (RA) 11803, mahahati ang Barangay Pasong Putik sa Barangay Pasong Putik Proper, Barangay Greater Lagro, at Barangay North […]
-
Aliño, bagong SBMA head
OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang. “President […]