Covid-19 vaccine hindi dapat pagkakitaan o gawing commercialize ng mga ospital- Sec. Galvez
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
IGINIIT ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na hindi talaga dapat na maging commercialize o maibenta sa mga ospital ang Covid-19 vaccine.
Sinabi ni Sec.Galvez, na kung siya ang tatanungin ay nais niyang mapangalagaan ang kasalukuyang proseso na ipinatutupad ng Food and Drug Administration (FDA) pagdating sa pag-aangkat ng bakuna.
Aniya, una nang sinabi ng FDA na ang tanging aaprubahan ng kanilang ahensya ay ang mga nag-a-apply lamang ng Emergency Use Authorization (EUA), na nangangahulugan aniya na hindi maaaring maging commercial ang Covid-19 vaccine.
Magugunitang, makailang beses nang sinabi at ipinangako ng gobyerno sa publiko na magiging libre para sa mga Filipino ang bakuna laban sa virus lalo na sa mga senior citizen at mga mahihirap.
Samantala, may dalawang paraan ang gagamitin ng pamahalaan upang maipaalam sa loob ng limang araw sa mga priority individuals
Ang iskedyul ng kanilang pagpapaturok ng Covid 19 vaccine sakaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng taon.
Sa pamamagitan aniya ng paggamit ng QR code at ng tinatawag na war room agad na maipaaabot sa mga prayoridad na indibidwal ang takdang araw ng kanilang pagpapabakuna.
Sa ganitong paraan aniya ay magiging mabilis na maipararating ang information dissemination mula sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga barangay.
Partikular itong gagamitin sa mga mga area na may matataas na internet connection tulad aniya ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27
Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27. Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor. Bukod dito, darating din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at […]
-
Posibleng pagba-bahay bahay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine
Sa pagdinig pa rin ng Committee on Health sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na exception lamang ito sa mga rules dahil kailangan pa ring sundin ang COVID-19 nationwide implementation na surveillance at monitoring ng adverse effects ng bakuna. Magkagayunman, sinabi ni Duque na isa ang “house to house inoculation” sa […]
-
JODI, tahimik lang at wala pang inaamin sa relasyon nila ni RAYMART kahit na patuloy ang pahaging ni CLAUDINE
KAHIT na patuloy na may pahaging sa kanya si Claudine Barretto, tahimik lang si Jodi Sta. Maria. In fairness, wala pa naman inaamin sina Jodi at Raymart Santiago, ang ex ni Claudine, sa kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Trabaho lang ang inaasikaso ni Jodi sa ngayon. Magtatapos […]