Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang AstraZeneca at gawin itong isa sa mga bakunang ipapamahagi nila sa iba’t ibang bansa ay dapat na may maipakita silang EUL mula sa WHO.
Ani Vergeirre, internationally accepted kasi aniya sa buong mundo ang emergency Use list na puwedeng gamitin kahit saan mang bansa.
Isa ani Vergeire ang eul sa mga niri-require o hinihingi ng WHO sa mga manufacturers bago sila pahintulutang maipamigay ang bakuna sa iba’t ibang bansa.
Nilinaw din ni Vergeirre na iba naman ang Emergency use authorization EUA sa EUL dahil ang EUA ani Vergeirre ay nirerequire ng bawat bansa bago tanggapin ang anumang bakuna.
Dagdag pa nito, gaya aniya sa Pilipinas, kapag ang isang Pharmaceutical company ay nakakuha na ng EUL mula sa WHO, nangangahulugan lamang ito na mas mapapadali na rin para sa Philippine government ang mag-isyu ng Eua sa mga vaccine maker. (Daris Jose)
-
Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE
Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho. Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa […]
-
F2 winalis ang Petrogazz sa 3 sets ngunit bigo pa ring makasama sa semis
Isinara ng F2 Logistics ang kanilang kampanya sa PVL Reinforced Conference sa pamamagitan ng 25-16, 25-22, 27-25 na panalo laban sa Petro Gazz upang tumapos sa ikalima matapos magtapos sa ikaanim sa Open Conference noong Martes sa PhilSports Arena. Ang Cargo Movers, sa pangunguna ng 22 puntos ni Lindsay Stalzer, ay nangibabaw sa […]
-
NCAA referee binugbog
MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang NCAA Management Committee ukol sa pambubugbog sa isang referee ng ilang kalalakihan matapos ang laro ng Mapua University at College of Saint Benilde sa NCAA Season 100 men’s basketball noong Sabado sa MOA Arena sa Pasay City. Ayon kay NCAA ManCom chairman Hercules Callanta ng host school Lyceum, hihingi […]