• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 VACCINE STORAGE FACILITY SA MAYNILA, HANDA NA

HANDA na ang banong Covid-19  vaccine storage facility  matapos pasinayan  nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.

 

Ang itinayong bagong COVID-19 Vaccine Storage Facility na pag-iimbakan ng mga vaccine vials na magmumula sa iba’t ibang pharmaceutical firms.

 

Ito’y makaraang bisitahin ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team ng national government ang Sta. Ana Hospital ngayong araw. Ang nasabing vaccine storage facility ay matatagpuan sa 7th floor ng Sta. Ana Hospital.

 

“Refrigeration units have already been deployed at the facility, which includes five HYC-390 refrigerators for AstraZeneca and Sinovac vials, two -25°C biomedical freezers and two -30°C biomedical freezers for Johnson&Johnson and Moderna vials,” saad ng Manila Public Information Office (MPIO).

 

Inaasahan naman na may tatlo pang refrigeration units ang darating sa Sta. Ana Hospital at ito ay ang -86°C ULT freezers na pag-iimbakan ng Pfizer vials.

 

Sa isinagawang pagpapasinaya ng nasabing pasilidad, sinabi ni Domagoso na ang lokal na pamahalaan ay handang tumulong sa national government na maipamahagi sa publiko ang tamang impormasyon hinggil sa pagpapapabakuna upang matapos na ang nararanasang pandemya.

 

“COVID-19 vaccination ang susi sa pagbubukas muli ng ekonomiya,” ani Domagoso.

 

“Gusto ko na pong makabalik na sa trabaho ang mga tao nang panatag, makasakay na sila ulit ng public transportation nang komportable, magbukas ang mga negosyo, makagalaw na ang mga nawalan ng trabaho, makabalik na ang mga bata sa eskwela,” dagdag pa ng Alkalde.

 

Nauna dito, binisita ng CODE Team officials ang vaccine storage facility kung saan iprinisinta sa kanila ni Manila Health Department (MHD) Director Dr. Arnold “Poks” Pangan ang Manila COVID-19 Situation Report. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity

    TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong  Ulysses.   “Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga […]

  • Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA

    NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo.       “Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea.  Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC.     Actually, may nagkuwento sa amin na pareho […]

  • ‘The First Omen’ Reveals Horror’s Beginnings in Cinemas April 5

    Experience the spine-tingling origins of evil with ‘The First Omen.’ Discover the untold story coming to Philippine cinemas on April 5.   Prepare to be transported to the chilling depths of terror as “The First Omen” emerges onto the big screen in Philippine cinemas on April 5. This highly anticipated installment of the famed Omen […]