• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 wala na sa ‘Top 10 causes of death’ sa Pilipinas; DOH nagalak

WALA  na ang COVID-19 sa listahan ng 10 pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy noong 2022, bagay na patunay raw na “kaonti na lang” ang nasasawi rito sa bansa, sabi ng Department of Health (DOH).
Ito ang tugon ng Kagawaran ng Kalusugan, Miyerkules, sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pang-11 na lang ang nakamamatay na virus sa listahan sa ngayon. Pangatlo kasi ito noong 2021, bagay na iniulat lang noong nakaraang taon.
“And that signifies na kakaonti na lang ang mga namamatay from COVID dito sa ating bansa, and we are able to prevent already further deaths because of this disease.”
Bumalik naman na raw sa “dating trend” ang common causes ng Filipino mortality kung titignan ang listahan ng PSA, as of October 2022:
ischaemic heart diseases (atake sa puso)
cerebrovascular diseases (stroke)
neoplasms (cancer)
diabetes mellitus
hypertensive disease
pneumonia
iba pang sakit sa puso
chronic lower respiratory diseases
iba pang sakit ng genitourinary system
respiratory tuberculosis
Pang-11 ang “COVID-19 virus identified” (9,749) sa naturang talaan habang nasa pang-19 naman ang “COVID-19 virus not identified” (4,134).
“So ito pong top five causes of death are all non-communicable diseases (hindi nakahahawa),” dagdag pa ni Vergeire kanina.
“Kaya po tayo ngayon, very strong po ang programa ng Kagawaran ng Kalusugan sa ating healthy behaviors and healthy lifestyle para maturuan natin ang ating mga kababayan para ma-prevent at ma-avoid natin ang ganitong mga klase ng preventable naman na pwedeng ikamatay ng ating mga kababayan.”
Umaabot na sa 65,726 katao ang namamatay ngayon sa COVID-19 sa Pilipinas mula sa mahigit 4.07 milyong nahawaan nito simula pa noong 2020.
Sumunod sa COVID-19 bilang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino ang “iba pang external causes,” disgrasya sa kalsada, sakit sa atay, atbp.
Other News
  • Gobyerno nakapag- recruit na ng health personnel para i- deploy sa NCR

    NAKAPAG-RECRUIT na ang gobyerno ng mga health personnel na magsisilbing augmentation force ng mga health workers sa National Capital Region (NCR) na nagmula sa ibang rehiyon.     Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pag- uusap nila ni Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at ni DOH Undersecretary Leopoldo […]

  • No.2 sa Top 10 drug personalities ng NPD, timbog

    ARESTADO ang pangalawa sa Top 10 drug per- sonalities ng Northern Police District matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Aisiah Kervin Ko, alyas Aivin […]

  • Shang-Chi Character Posters Offer a Closer Look at the New MCU’s Heroes & Villains

    NEW posters showcasing the various heroes and villains of Marvel Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings have been released.     The film is set to introduce a new pool of characters to the MCU, with Shang-Chi representing the first Asian superhero in the franchise. Shang-Chi will see Simu Liu in the eponymous role of a master […]