• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No.2 sa Top 10 drug personalities ng NPD, timbog

ARESTADO ang pangalawa sa Top 10 drug per- sonalities ng Northern Police District matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Aisiah Kervin Ko, alyas Aivin Ko, (Watchlisted/Surrenderee), 32, ng No.149 9 th Avenue West Grace Park Brgy. 59.

 

Ayon kay District Drug Enforement Unit (DEEU) Chief P/Capt. Ramon Aquiatan Jr, nakatanggap sila ng maraming reklamo hinggil sa talamak na pagbebenta ng suspek ng illegal na droga sa kanyang mga parokyano sa Brgy. 63 at kalapit na mga barangay kaya’t isinailalim ito sa monitoring.

 

Nang makumpirma ang ulat, agad nagsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Aquiatan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni Hycenth Calaiao I ng buy-bust operation kontra sa suspek sa 111 Centro St., 9 th Ave. Brgy 63, dakong alas-9:30 ng gabi kung saan isang undercover police ang nagawang makabili kay Ko ng P12,000 halaga ng shabu. Kaagad dinamba ng mga operatiba si Ko matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu.

 

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa105 gramo ng hinihinalang shabu na may stan- dard drug price P714,000.00, isang P1,000 bill na nakabugkos sa 11 pcs P1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at sling bag. (Richard Mesa)

Other News
  • NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT

    WALANG naramdamang anumang adverse effects  ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac  vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital.   Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang […]

  • Oras ng operasyon ng malls, binago – MMDA

    TULUYAN nang binago ang oras ng operasyon sa mga shopping malls sa Metro Manila nang itakda ito mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Ito ang napagkasunduan  ng MMDA at mga mall owners at operators na mag-uum­pisa sa Nobyembre 14, 2022 at magtatapos hanggang Enero […]

  • Isinuko na ang lahat sa Diyos: GARDO, inakalang lilisanin na ang mundo nang ma-stroke

    SINABI ni Gardo Versoza na inakala niyang lilisanin na niya ang mundo nang atakihin siya sa puso noong Marso.     Binalikan ng aktor ang naturang karanasan kung saan nalaman ng mga duktor na barado ang kaniyang dalawang ugat na konektado sa puso.     “Umabot ako dun sa point na parang about to leave […]