COVID-19 ‘work-related disease’ – DOLE
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
Makakatanggap na ng kompensasyon buhat sa pamahalaan ang mga manggagawa sa public at private sectors na dinapuan ng COVID-19 habang nasa duty makaraang maisama na ang coronavirus 2019 sa listahan ng “occupational and work-related diseases”.
Inaprubahan ng Employees’ Compensation Commission (ECC) board ang Resolution No. 21-04-14 na nagtatakda ng kompensasyon sa mga manggagawang biktima ng virus, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
“Considering the OSHC’s recommendations and after deliberations with the Department of Labor and Employment and various labor and employer groups, (Labor Secretary Silvestre) Bello added that the Commission has moved that COVID-19 be considered an occupational and work-related disease,” ayon kay ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis.
Nakapaloob sa resolusyon ang mga pangangailangan na dapat matugunan ng mga claimants. Kabilang dito ang pagkakaroon ng direktang koneksyon ng manggagawa sa mga nagtatrabaho sa healthcare, screening at contact tracing teams; ang trabaho ng manggagawa ay kailangan ng palagiang pagharap sa ibang tao; nahawa habang nasa lugar ng trabaho; at nahawa habang bumibiyahe galing o papuntang trabaho.
Sa pag-aaplay para sa benepisyo, kailangang magsumite ng certificate of employment, RT-PCR diagnosis positive result, mga ebidensya ng exposure, at medical records kung kinakailangan pa.
-
LRT 1 East Extension may libreng sakay ng 2 linggo
Magbibigay ng libreng sakay ng dalawang (2) linggo ang bagong bukas na Light Rail Transit 2 (LRT2) East Extension kung saan pinagunahan ni President Rodrigo Duterte ang inagurasyon noong July 1. Sinabi ni Duterte sa mga sumasakay na libre ang sakay simula at galing sa dalawang (2) estasyon ng Marikina at Antipolo. […]
-
DENNIS at JENNYLYN, mas naalagaan sina JAZZ at CALIX habang naka-quarantine
NOONG magbalik-taping si Dennis Trillo para sa GMA anthology na I Can See You: Truly, Madly, Deadly, naisip ng aktor na i-donate ang bahagi ng kanyang talent fee sa production crew ng show. Maagang Pamasko ito ni Den- nis para sa kanila dahil sa ilang buwan silang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. […]
-
BBM CAMP: 99.93% accuracy rate ng manual count nagpapakita ng totoong kagustuhan ng tao
ANG 99.93 percent vote accuracy rate mula sa lumabas na random manual audit (RMA) ay ang patunay na nagdesisyon na ang mga Pilipino at ang kanilang kagustuhan ay dapat respetuhin, ayon sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos nitong Lunes. Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang random manual audit […]