• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction

Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James.

 

Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14.

 

Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as new.

 

Pirmado mismo ni James ang card na kulay asul na tinta at bukod pa dito ay mayroong actual patch mula sa jersey nito sa Cleveland Cavaliers.

 

Noong 2003-2004 ay mayroong 21 points per game, 6 assists at 5.5 rebounds ang average ni James at sa taong din yun ay nakuha niya ang Rookie of the Year.

 

Sisimulan ang pag-bidding sa Hunyo 22 sa card na may size na 2.5 inch by 3.5 inch.

 

Inaasahan ng Goldin Auctions na malalampasan ng LBJ card ang ultra-rare card ng baseball great na si Mike Trout na naibenta sa halagang halos $923,000.

Other News
  • Global FC may rekord sa GAB

    MAY bahid na ang rekord sa Games and Amusements Board (GAB) bilang blacklisted ang Global Football Club (GFC) dahil sa hindi pagpapasuweldo sa mga player at empleyado simula pa noong Agosto na umabot na halos P6M.   Inilabas ng GAB ang desisyon nang hindi makapag-esplika si GFC at team manager Mark Jarvis sa mga reklamo […]

  • “Fake fishing boats” sa WPS ipinakalat ng Tsina

    KILALA ang Tsina sa buong mundo bilang manufacture ng peke o counterfeit products, mula ulo hanggang paa, kabilang na ang iba’t ibang pagkain at gamot at pagbebenta nito sa kalapit na bansa sa Asya at kaalyadong bansa.     Ngayon ay naglalagay ito ng military vessels na nagkukunwaring bangkang pangisda sa West Philippine Sea, na […]

  • Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang  executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.   Mismong si Pangulong Duterte  ang nagbasa ng rekomendasyon ng  task force sa public address nito, Lunes […]