• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study

Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.

 

Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.

 

Kasunod ito ng ulat ng record-breaking na pagtaas ng kaso ng COVID sa magkasunod na araw, 2,434 noong Linggo at 2,099 noong Lunes. Habang kahapon ay naitala naman sa 1,540 ang bagong kaso o 47,873 cases.

 

“Our current trajectory is quite high since we went under general community quarantine, it looks like we will reach at least 65,000 by the end of July,” pahayag ni David

 

Batay sa mga  researchers, posibleng umabot sa 25,000 infections ang maitala mula June hanggang July pero maaaring tumaas pa ng mahigit 35,000 mula July hanggang Agosto.

 

Bunga nito, inerekomenda ni David sa pamahalaan na higpitan pa ang mga borders at ilayo ang mga taong kumpirmadong positibo sa COVID at gamutin sa isang pasilidad at huwag payagan ang mga itong mag-home quarantine.

 

Kailangan din anya ang patuloy na mass testing sa bansa.

 

Tinaya naman ng DOH na makakapagsagawa sila ng testing sa may 1.63 milyong Pinoy o 1.5 percent ng populasyon hanggang sa katapusan ng Hulyo. (Ara Romero)

Other News
  • Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

    Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.     Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 […]

  • Truck driver pinagbabaril sa harap ng kainuman

    NASA malubhang kalagayan ang isang 44-anyos na truck driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang mga kainuman sa Malabon City, kahapon ng hating gabi.   Inoobserbahan sa MCU Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso at kanang hita ang biktimang si Rodjie Javinar, 44 ng M Adalia St. […]

  • Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming salamat sa inyo’ “Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”

    ITO ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya, nitong Linggo ng gabi sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.     Kahit bumuhos ang ulan, hindi ito inalintana ng libu-libong nagmamahal sa Pangulo na dumagsa sa “Salamat, PRRD” event.     “Sa sambayanang […]